Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ang mga araw ng ating buhay ay parang anino lang.
–Haring David
Alam mo ba kung ilang minuto mayroon ang isang araw?
1,440
Alam mo ba kung ilang oras mayroon ang isang linggo?
168
Napansin ko
na ang mayayaman ay di kayang bumili ng dagdag na oras.
Ang matatalino ay di kayang mag-imbento ng dagdag na minuto.
At di pwedeng mag-impok ng oras para gastusin sa ibang araw.
May oras ka ngayon,
masasabi mo *** "itatago ko ito para bukas"?
Hindi pwede.
Pinapahalagahan mo ba ang mga araw mo?
Alam mo ba kung gaano kaimportante ang bawat isang araw?
Mahahalagang sandali
Sandali na magbabago ng buhay
"Ang lahat ay patungo sa sandaling ito,
ang Super Bowl 42."
Dehado kami nang araw na iyon.
Iniisip ng marami talo na kami
hindi pa nga nag-uumpisa ang laro.
"Kung hindi makakabawi ang Giants dito"
"ang Patriots na wala pang talo"
"ay gagawa ng kasaysayan! "
Alam kong libre ako, pero sasara agad ang depensa.
"Pasa kay Manning. Bumuwelo--- sinugod! "
Pag iniisip ko yon, nakikita ko--
"Titirahin siya! Babagsak siya! "
" Hindi! Nakawala siya! "
"Hindi kapani-paniwala!"
Sandali ng pagtatanong
Naaalala ko ang unang sandali
na na-intriga ako at nagustuhan ko
ang ideya na maging magician.
Sa sandaling iyon, alam ko na
na magiging mahusay ako dito.
Ito ang pinakagusto kong gawin sa lahat.
Mas gusto ko ang mga katanungan kaysa mga kasagutan,
at pinupuwersa ka ng magic
na magtanong, at ilalagay ka sa lugar
na hindi mo alam kung alin ang totoo o hindi,
at kung ano ba talaga ang nangyayari.
Sandali ng pagtuklas
Naalala ko nang katorse anyos ako at ni-record ko ang una kong kanta.
Tinulungan ako ng nanay ko na i-record iyon.
May gamit siya na pang-record
at namangha ako nang marinig ang sarili ko na naka-record.
Kailanman ay hindi ko inisip
na maging hanapbuhay ang musika.
Hindi ko inakalang puwede iyon.
Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang oras...
kanya-kanyang panahon.
- Haring Solomon
Bilang magician ay di ka madaling maniwala
at alam mo na marami sa mga bagay na nakikita mo
ay hindi totoo, gawa-gawa lang.
Katawa-tawa ang konsepto ng isang diyos na makapangyarihan.
Pag may nakakausap akong nagpupunta sa simbahan,
iniisip kong nalilinlang sila
ng isang "magic trick".
Para siyang Wizard of Oz, na nasa likuran ng kurtina
na nagko-control ng lahat.
Lumaki akong marunong
na paniwalain ang mga tao
sa mga bagay na hindi totoo.
Bihasa ako sa panlilinlang.
Trabaho ko ang magkunwari.
Pero nagsimula akong magtanong.
Sabi ko, "Diyos, kung totoo ka nga,
kailangan ko na dalhin mo ako sa likuran ng kurtina.
Ipakita mo sa akin kung paano tumatakbo ang lahat.
Ipakita mong totoo ito at hindi ko pwedeng isantabi."
Hindi ko makakalimutan nang pumasok ang taong iyon sa kwarto ko
at sinabi niya, "Mr, Munroe, hindi ko alam
kung paanong sasabihin sa iyo ito, pero may kanser ka."
Ang sabi ko, "Ano?!"
Tiningnan niya ako at sinabi,
"Mr. Munroe, hindi namin kayang pagalingin ang sakit mo."
Kami ng asawa ko ...
ang sama ng pakiramdam namin.
"Nasaan ka, Diyos?
Hindi ka pala gaanong makapangyarihan."
Limang taon pa lang akong kasal.
May anak akong babae na 3 taon at lalaking 2 taong gulang.
Kailangan ko pa ng panahon kasama ang pamilya ko.
Kailangan ko pa ng panahon.
"Pangatlong down na, limang yarda pa."
"Kinuha ni Manning ang bola. Hinahabol siya."
"Naghahanap ng sasalo pero sinusugod na siya!"
"Ibinato niya!"
"Ang ganda ng salo ni Tyree!"
"Paano niya ginawa iyon?"
"Hindi ko maisip!"
Kinuha ako ng New York Giants
sa sixth round ng pilian noong 2003,
at iyon talaga ang pangarap ko.
Marami akong hamon nang nasa college pa ako.
Makapaglaro, makilala,
at, eto na, nakamit ko na,
kaya napakalaking bagay ang maging miyembro ng team.
In-enjoy ko ang bawat sandali.
Iniisip ng maraming tao
na ang pera ay solusyon sa lahat ng problema.
Natuklasan ko na pinalala lang nito ang lahat ng problema...
na nasa buhay ko na.
Binigyan lang ako nito ng paraan para makuha
ang mga bagay na gusto ko.
Kung may mga babae na ako, mas lalo nila akong nagustuhan.
Mahilig akong uminom,
at ngayon ay kaya ko nang bumili ng alak hangga't gusto ko.
Dati hindi ako nagma-marijuana,
ngayon ay kaya ko nang bumili ng marijuana hangga't gusto ko.
Iba ang pagkatao ko sa publiko,
at ibang-iba ako kapag nag-iisa
Ang problema ko sa alak
ay higit sa pa-good time good time lang,
paglalasing at pagsasaya.
Ang pagkalasing ko ay umaabot
sa puntong hindi ko na alam ang ginagawa ko.
May mga pagkakataong nawawalan na lang ako ng malay
at nagigising ako kinabukasan hubad at nakahiga sa isang kama,
pero hindi alam kung ano ang nangyari nang nakaraang gabi.
Nagma-marijuana ako araw-araw sa unang taon ko bilang player.
At hindi lang ako tumitira ng damo,
binebenta ko pa ito.
Hindi ko makakalimutan ang mga ilaw ng police car.
Ang sirena nila, at ang paghinto ng aking puso.
Pinababa ako sa kotse,
hinalughog nila ito,
at nakita ang one-fourth kilo ng marijuana.
Hiyang-hiya at bagsak ako noon.
Sa unang pagkakataon,
habang ipinapasok ako sa kulungan sa Fort Lee,
nakita kong sirang-sira ako.
Sirang-sira ako
at walang ibang puwedeng tingnan kundi sarili ko.
Sa labas ay mukha kang ayos na ayos,
pero sa kaloob-looban mo ay naghahanap ka
ng bagay na hindi mo pa natatagpuan.
Iniisip mong siguro naman ay higit pa dito ang buhay.
Nang bata pa ako ay hirap kami sa pera.
Walang asawa ang nanay ko, pero dalawa na anak nang 18 pa lang siya.
Mahirap ang sitwasyon namin.
Nang 10 taon na ako,
ang pinsan ko na 3 taong gulang,
na itinuring kong nakababatang kapatid,
ay ginulpi ng kanyang amain at namatay.
Paano akong magtitiwala sa isang diyos
na pinababayaang mangyari ang ganyang mga bagay?
Matindi ang naging kalungkutan ko at nabarkada ako
sa mga taong may mga problema sa buhay na tulad ko,
at natuto akong mag-droga,
at sadya ko pang pinatindi ang aking kalungkutan.
Nang 16 taon ako, alam ng lahat na hindi ako naniniwala sa Diyos
at pinag-aralan ko ang iba't ibang relihiyon
pero walang kabuluhan ang lahat,
maging droga o sex,
o pilosopiya o malalim na pag-iisip.
Sa lahat ng ito ay wala akong nakitang kasiyahan.
At dahil walang kahit na anong bagay
na makakapuno ng aking kahungkagan,
ayaw ko nang mabuhay.
"May mga gabing
nakakatulog akong umiiyak"
Nagbalak akong magpakamatay.
Ayaw ko nang magising.
Pagod na ako sa paggising,
at naisip ko na hindi ko na kayang palagi na lang ganito.
"para lang magising
at naisin na di na sana nagkamalay."
Noong araw na balak kong magpakamatay,
maaga akong umuwi galing sa eskuwela.
Wala dapat sa bahay ang lola ko
May abilidad siyang malaman,
maramdaman kapag may problema.
Tiningnan lang niya ako at sinabi niya,
"May problema ka. Pumunta tayo sa simbahan."
Ayaw na ayaw kong pumunta doon.
Galit ako sa mga Cristiano, galit ako sa simbahan.
Sabi ko, "Hinding hindi ako pupunta sa simbahan."
Nagsigawan kami
at naaalala kong sinabi ko na lang,
"Sige, pupunta ako tumahimik ka lang!"
Inisip ko na pagkatapos, saka ako magpapakamatay.
Milyon-milyon ang nagtatanong,
"Ano'ng magagawa ko para makaligtas sa mga problema?"
Sobrang laki ng mga problema.
May teknolohiya tayo para makatipid sa oras,
pero mas kakaunti pa rin ang oras natin.
Mga di-pagkakaunawaan sa pamilya,
problema sa trabaho, problema sa kalusugan,
paghahanap-buhay.
Gusto nating sigawan ang buhay. Gusto nating takasan ang buhay.
Sinabi ni Adlai Stevenson,
"Hindi ang mga araw sa iyong buhay ang mahalaga,
kundi ang buhay sa iyong mga araw."
Marami ka ngang panahon, pero para saan?
Ang mga bagay na sira sa iyong puso at buhay
ay bubuuin ni Cristo,
kung magtitiwala't mananalig ka sa kanya.
Namatay siya sa krus.
Nabuhay siyang muli para sa iyo.
Gagabayan ka niya sa iyong buhay.
Bibigyan ka niya ng kapayapaan, kagalakan at katiyakan
na kapag namatay ka ay pupunta ka sa langit.
Pero, una muna ay mayroon dapat na pagbabago.
Talikuran mo ang iyong mga kasalanan.
Pagsisisi ang tawag diyan sa Biblia.
Talikuran mo ang kasalanan.
Noong nasa kulungan ako,
naunawaan kong ubos na ang aking kakayahan.
Dalawampu't apat na taong gulang ako,
Rookie of the year sa NFL Special Team,
rookie of the year sa New York Giants,
at nasa akin na yata ang lahat,
pero walang patutunguhan ang lahat ng ito,
maliban sa kabulukan, kamatayan at kabiguan.
Sirang-sira ako.
Sirang-sira ako,
at alam mo, naunawaan ko,
walang ibang dapat sisihin kundi sarili ko.
At sa sandaling iyon, walang ibang mahalaga.
Basta alam ko, kailangan ko ng higit pa rito.
Sa kawalang pag-asa ay umiyak ako at sinabi ko,
"Diyos, ang alam ko lang ay kailangan kita."
At sa susunod na linggo pagkatapos na makulong ako,
Nagpunta ako sa isang simbahan, nakaluhod at namamaluktot
tumatangis at umiiyak sa Diyos.
Hindi ko na kayang tanggihan ang pag-ibig ng Diyos.
Sa pagtanggap ko ng kapatawaran, naunawaan kong binago na ako.
Ang pagkatao ni Jesu-Cristo ay totoo na sa buhay ko.
Hindi na siya kathang-isip lang.
Hindi siya gawa-gawang ideya lang.
Ang kapatawaran sa kasalanan ang nagpapalaya sa tao
at noon din ay binago na ako.
Alam kong nakaranas ako ng pag-ibig
na nagbago ng buhay ko nang pang-habang panahon,
at alam kong kahit kailan
ay hinding-hindi na ako babalik sa dati.
Ha, ha, ha!
Ano nga ba ang buhay ninyo?
Para kang usok na sandaling lumilitaw
at agad nawawala.
Santiago 4:14
Nauubusan na tayo ng oras.
Gaanong katagal pa ang mayroon tayo?
Hiniling ng Mang-aawit
na alalahanin ng Panginoon kung gaano kaikli ang oras ko.
"ang buhay ko ay parang aninong lumiliit"
"at nalalanta akong parang damo,"
"subalit ikaw, Panginoon ay habang-panahon"
"at kikilalanin ka ng lahat ng salinlahi."
Isipin mo iyan--- ang Diyos ay walang katapusan,
pero sa mundong ito,
para tayong mga aninong lumiliit.
Lahat tayo'y namamatay.
Sa sandaling ipinanganak ka, nagsimula ka nang mamatay.
Gaanong kahaba pa ang oras natin?
Tiningnan ako ng doktor at sinabi sa akin,
"Mr. Munroe, hindi namin kayang pagalingin ka sa sakit mo.
"Pero mayroon kaming gustong subukan.
"Bone marrow transplant ang tawag dito.
"Ang problema sa katawan mo ay ang white blood cells mo
"ay gumagawa ng maling kopya ng mga maling kopya.
"Niloloko ng katawan mo ang sarili niya.
"Nililinlang niya ang kanyang sarili."
Sabi niya, "Ang dapat nating gawin
"ay sirain nang buo ang iyong sistema,
"at sikapin nating makakita
"ng isang tao sa mundo
"na sapat ang pag-match sa DNA mo
"para magkaroon ka ng bagong-bagong immune system
"blood system na parang nag-develop mula sa pinaka-simula."
"Papalitan natin ang dugo mo ng malusog na dugo ng ibang tao
para mabuhay ka pa."
Ang sabi ng Diyos, kung walang pagbuhos ng dugo
ay walang kapatawaran sa kasalanan.
Dapat ay mayroon kang kapalit
na tatanggap ng parusang ikaw ang nararapat na tumanggap,
ng kamatayang ikaw ang nararapat na dumanas,
at ang kapalit na iyan ay si Jesu-Cristo.
Inisip ko sa sarili ko, "Paubos na ang oras ko.
Mamamatay ako sa kanser."
"Mahirap tanggapin.
"Ngayon, 3 taong gulang si Peyton
"at dalawang taon si Gavin.
"Ang dalawang anak ko...
"Kung mamatay ako dito, mahal na mahal ko kayo."
Sinimulan nila ang pinakamatapang na klase ng chemo,
na ang layunin ay
hindi lang pagsira sa kanser sa katawan ko,
kundi pagsira mismo sa katawan ko.
Grabe ang sakit. Unti-unting kamatayan.
"Natatakot talaga ako.
"Sinusubukan kong huwag matakot,
"pero natatakot ako.
"Gusto kong maging malakas para sa asawa't pamilya ko,
"pero natatakot talaga ako."
Naghihintay kami ng balita
mula sa National Bone Marrow Donor Program.
May 7 milyong taong nakatala
sa kanilang mga record.
At may isang eksaktong katugma ng sistema ko; isa lang.
Isang babaeng 19 taong gulang.
Sabi nila, "Mr. Munroe, ang bone marrow transplant mo
"ay gagawin sa April 23.
Magkakaroon ka ng bagong birthday."
Sabi nila, "Magiging para kang baby sa loob ng sinapupunan.
"Ipagdiriwang ng mga nars
"ang muling kapanganakan mo sa ospital."
Narinig ko na ang ganoong mga salita
sa mga simbahan na pinuntahan ko.
Ipapanganak akong muli.
At hindi ko makakalimutan, noong April 23,
dinala nila sa kuwarto ko ang isang bag ng dugo
at nang sandaling iyon, lahat ay umaasa na tatanggapin
ng katawan ko ang bagong buhay, ang bagong dugo na iyon.
Narito ako ngayon, siyento porsiyento wala nang kanser,
at pag tinitingnan nila ang dugo ko ngayon
ang nakikita nila ay isang babaeng 19 taong gulang.
Siya ang nakikita nila, ang XX chromosome niya.
Naaalala ko ang talata sa Galacia 2
na nagsasabing "Hindi na ako ang nabubuhay ngayon
kundi iba na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ko ngayon
ay sa pamamagitan ng pananampalataya."
Iniligtas niya ang buhay ko.
Talaga? Kamangha-mangha iyan.
Iniligtas niya ako; muntik na akong mamatay sa leukemia.
Siya ang nagbigay sa akin ng bone marrow.
Ayun siya.
Hi!
Sabi sa Juan 17:3,
"Ito ang buhay na walang hanggan, ang makilalala ka nila (Diyos)
at si Jesu-Cristo na iyong isinugo."
Kumbinsido ako sa mga sinabi ni Jesus.
Ako'y hindi madaling mapaniwala, , at bihasang magpakita ng di totoo,
pero alam kong ang Diyos ng sanlibutan
ay dinala ako sa likuran ng kurtina,
tulad ng hiniling ko sa kanya.
Ginawa niya ito sa buhay ko sa pamamagitan ng kanser,
at may espirituwal na kanser
na kumakain sa atin mula sa ating kaloob-looban,
at lahat tayo'y naghahanap,
lahat tayo'y nakikiusap na may pumasok sana
para iligtas tayo sa ganyang kondisyon.
Nakikita ng Diyos ang iyong puso,
at nakikita niyang may sakit ka sa iyong espirituwal na puso.
Ang tawag sa espirituwal na sakit na iyan ay kasalanan.
At lahat tayo'y makasalanan.
Ibig sabihin, nilabag natin ang mga kautusan ng Diyos.
Sinuway natin ang Diyos.
Nagrebelde tayo laban sa Diyos,
at dahil nagrebelde tayo sa kanya,
haharap tayo sa paghuhukom.
Oo, may darating na paghuhukom.
Darating ang panahon na tatayo ka sa harapan ng Diyos
sa dakilang araw ng paghuhukom
at pananagutan mo ang buhay mo dito
at pananagutan mo
kung ano ang ginawa mo hinggil kay Jesu-Cristo
sa gabing ito,
sapagkat darating ang paghuhukom,
subalit ang paghuhukom ng Diyos ay may kalakip
na pag-ibig at habag.
Handa siyang patawarin ka sa gabing ito,
bibigyan ka niya ng pagkakataon ngayong gabi.
Kahit gaanong karaming panahon ang naaksaya mo na sa nakaraan,
mayroon ka pang kinabukasan.
Nakaupo ako sa likuran ng simbahan,
nakasalampak sa silya at nakahalukipkip ang mga braso
at nagsimulang magsalita ang pastor,
at lahat ng sinabi niya ay tumimo sa puso ko
at para *** ako lang ang tao doon,
at huminto siya sa gitna ng kanyang pangangaral at nagsabi,
"May espiritu ng pagpapatiwakal sa lugar na ito ngayon,
"at gusto ng Diyos na malaman mong mahal ka niya."
Nanindig ang mga balahibo sa batok ko,
at talaga namang di ko alam kung paano ito tatanggapin.
Kailangan kong makaalis doon.
Tumayo ako at nagpunta sa pintuan
nang pahayuin na ng pastor ang mga tao
May isang matandang lalaki na humawak sa saking braso,
puti na ang buhok niya, at sinabi niya,
"Gusto ng Diyos na kausapin kita
"at sabihin sa iyong kahit na
"wala kang nakilalang ama sa daigidig na ito,
"siya ang magiging ama mo na mas mabuti at mabait
kaysa kahit na sinong ama sa daigdig."
Sabi ng lalaki, "Nakikita ka niya
tuwing gabi kapag nakakatulog ka sa pag-iyak."
Nang sabihin niya iyon, talagang nanginig ako
dahil totoong tuwing gabi ay umiiyak ako hanggang makatulog
mula pa nang 10 taon ako.
Hindi ako makatulog pag hindi ako umiyak.
Sabi ng lalaki, "Nakikita ka niya
"tuwing gabi kapag nakakatulog ka sa pag-iyak,
"mahal ka niya at isinugo niya ang anak niyang si Jesus
"upang mamatay nang duguan sa krus para tanggapin sa sarili niya
"ang lahat ng sakit na nararamdaman mo,
para hindi mo na danasin ang mga ito."
Sabi pa niya, "Gusto mo *** alisin niya ito sa iyo?
Sapagkat namatay siya para kunin ito mula sa iyo."
Sabi ko naman, "Sige, pwede niyong subukan."
Sabi niya, "Pwede ko *** ipanalangin iyan para sa iyo?"
Sabi ko, "Subukan ninyo.
"Hindi talaga ako naniniwala dito,
pero alam kong may kakaibang nangyayari ngayon mismo."
Inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ko
at nagsimulang manalangin, at may sinabing parang ganito,
"O Diyos, panalangin ko na yakapin mo
"ang anak mong ito
at ipaalam sa kanya kung gaano mo siya kamahal."
"Habang buhay nang naghahanap ako
"ng magbibigay kasiyahan sa aking puso
"ngunit palagi na lang, ang bunga ay maging mas hungkag kaysa dati."
At sa sandaling iyon,
Hindi ko maipaliwanag,
kailangan maranasan mo mismo---
pakiramdam ko'y nakatayo ako sa harapan
ng Diyos ng sanlibutan.
At ang una kong napansin
ay napakadakila at banal ng Diyos na ito,
at ako ay hindi.
Iniisip ng ilan sa inyo na sobrang sama na ninyo
para lumapit sa Diyos,
sobrang marami nang nagawa, sobrang malayo na.
Hindi naghihintay ang Diyos para husgahan ka.
Hindi naghihintay ang Diyos para kondenahin ka.
Mahal ka ng Diyos.
Ipinadala niya ang kanyang Anak para mamatay sa krus para sa iyo,
para ibuhos ang kanyang dugo para sa iyo.
Gusto niyang yakapin ka at tanggapin ka,
at patawarin ka at mahalin ka,
at maging kaibigan mo.
Lubhang napakabanal at nakakatakot ang Diyos na ito,
at kung sinabi niyang "Umalis ka dito", tama lang,
alam kong makatarungang sabihin niya sa akin iyon.
Pero ang di kapani-paniwala ay tinatawag niya ako
at niyayakap niya ako
at sinasabihang, "Mahal kita , kahit sa kalagayan mong iyan.
Hindi ako nagugulat sa katayuan mo,
at kung hahayaan mo ako, babaguhin kita."
Labis ang pasasalamat ko na iba ang tingin sa atin ng Diyos.
Hindi siya tumitingin paiwas sa atin,
at tinitingnan pa niya tayo nang may pag-ibig.
"Kung wala ang pag-ibig mo..."
Kamangha-mangha na ang Diyos ay ganyang klase ng ama.
"Salamat at hindi mo ako binitiwan
"Kahit tumingin ako sa iba at hindi sa iyo
"Ibinigay mo ang iyong dugo, namatay ka para makasama ako
"Bakit mo gagawin iyon
para sa isang katulad ko?"
Namatay si Jesus sa halip na ako
at ang kailangan ko lang gawin ay maniwala dito
at sabihing, "Opo, baguhin mo ako. Gawin mo akong bagong nilalang."
Sabi sa ika-6 na kabanata ng Roma,
"Kamatayan ang kabayaran sa kasalanan,
"ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan
"sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon."
Sinasabi sa 1 Pedro,
"Sa kanyang pagkamatay sa krus pinasan niya ang ating kasalanan
upang tayo'y mamatay sa kasalanan
at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos."
Isipin ninyo iyon! Naging kasalanan siya!
Si Jesu-Cristo, dalisay, kamangha-mangha,
ang pinakadakilang tao na nabuhay sa kasaysayan,
ang pinakabanal na tao na nabuhay sa daigdig na ito,
ang Anak ng buhay na Diyos ay naging kasalanan!
Kailanman ay hindi siya nagkasala,
ngunit sa sandaling iyon ay itinuring siyang mangangalunya,
itinuring na sinungaling, sumasamba sa diyus-diyosan,
itinuring na gumawa ng bawat pangit at maruming bagay
na kaya mong isipin,
sapagkat ang mga kasalanan mo ang ibinuhos sa kanya.
Sa pamamagitan ni Cristo ay mabubuong muli
ang pinakamahalagang relasyon sa buhay natin.
Ang tanong mo, "Ano ang dapat kong gawin, Billy?"
Una, pagsisihan mo at talikuran ang iyong mga kasalanan.
Sabi ni Apostol Pedro,
"Magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos
upang patawarin ang inyong mga kasalanan."
Ano ang ibig sabihin ng pagsisisi?
Ibig sabihin nito, lalapit ka sa Diyos at sasabihin mo,
"Diyos ko, patawarin mo ako sa aking kasalanan."
Lahat tayo'y nagkasala, bawat isa sa atin.
Bawat taong ipinanganak ay nagkasala.
Nagsisisi ka ba? Tiyak *** nagsisisi ka?
Ibig sabihin nito, hindi ka lang humingi ng tawad sa Diyos,
kundi humingi ka rin ng tulong na talikuran ang iyong mga kasalanan,
na baguhin ang iyong pamumuhay.
Na alisin ang mga ugaling hindi mo dapat taglay.
At dapat lumapit ka nang may pananampalataya.
"Hindi kalulugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya."
Ang ibig sabihin ng "pananampalataya" ay pagtitiwala.
Ang sabi sa Roma 4,
"Ang hindi nananalig sa sariling gawa, kundi
sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala,
ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya."
Kailangang matuwid ako para makapasok sa langit.
Subalit hindi ako matuwid.
Makasalanan si Billy Graham.
Hindi ako matuwid kung sa sarili ko lang.
Lumalapit ako dahil sa pagiging matuwid ng Panginoong Jesus.
Ang sabi sa Biblia,
"Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng
pananampalataya, hindi ng gawa, upang walang makapagmalaki."
Kung kaya mong pumunta sa langit sa pamamagitan ng mga ginawa mo,
pagpasok mo sa langit ay puwede mong ipagmalaki,
"Tingnan ninyo ang ginawa ko.
"Naging mabuti akong tao, kaya nakarating ako rito sa sariling sikap."
Nakarating ka roon dahil lamang kay Cristo.
Dahil maikli ang panahon
dapat ay may gawin tayo ngayon din,
sapagkat sabi sa 2 Corinto 6:2,
"Ngayon na ang kaukulang panahon."
Hindi bukas, ngayon.
Ngayon, pag narinig ninyo ang tinig ng Diyos,
huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.
Puwede ninyong patigasin ang inyong mga puso.
Puwedeng maging delikado ang makarinig kayo ng ganitong mensahe
dahil patitigasin ninyo ang inyong puso
at sa susunod na marinig ninyo ang Magandang Balita,
mas matigas na ang inyong puso, at patigas pa ito ng patigas.
Lumapit kayo kay Cristo, ngayon na.
Kahit bulong lang ang naririnig ninyo sa inyong puso
na kailangan ninyong lumapit,
lumapit kayo at sabihin ninyo, "Panginoon, sa iyo ako ngayon.
"Gusto kong makatiyak na handa akong makaharap ka."
Lumapit kayo ngayon na.
Kung gusto ninyong tanggapin si Cristo,
pwede kayong manalangin ng tulad ng ipinanalangin ko.
O ipinanalangin ko.
O ipinanalangin ko.
Mahal kong Diyos, makasalanan ako.
Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan.
Gusto kong talikuran ang aking mga kasalanan.
Naniniwala akong si Jesu-Cristo ay iyong anak.
Namatay siya para sa aking kasalanan at binuhay mong muli.
Gusto kong manalig sa kanya bilang aking Tagapagligtas
at mula ngayon ay sumunod sa kanya bilang Panginoon.
Jesus, nananampalataya ako sa iyo.
Isinusuko ko ang aking buhay sa iyo.
Isinusuko ko ang aking buhay sa iyo.
Isinusuko ko ang aking buhay sa iyo.
Pumasok ka sa aking buhay
at puspusin ako ng iyong Banal na Espiritu.
Ipinapanalangin ko ito sa pangalan ni Jesus.
Amen.
Amen.
Amen.
Maliligtas ang lahat ng tumatawag
sa pangalan ng Panginoon.
- Roma 10:13