Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ang Katotohanan Patungkol sa West Bank
Kadalasan po ay madidinig natin sa mga balita ang mga katagang: "occupied territories", "67 borders" at "Illegal settlements"
At kadalasan, ang nadirinig po natin na ang mga paliwanag ay tila ba napakasimple:
"Na noon Six Day War ay nasakop daw ng Israel mula sa mga Palestino, ang West Bank. At hindi daw sumunod sa UN ang Israel na magkusang umatras,
at nagtayo pa ng mga illegal na mga tirahan".
Ngunit, iyun nga po ba ang tunay na mga pangyayari?
Subukan po nating unawain ang mga pangyayari nang mas may kalinawan.
Magsisimula po tayo sa isang simple ngunit napakahalagang katanungan:
Mula po kanino nasakop ng Israel ang West Bank?
...Mula po ba sa mga Palestino?
Hindi po.. sapagka't noong pong 1967 ay wala pong nasyon o bansa ng mga Arabo na may pangalang "Palestine".
...Sa katotohanan, mayroon *** ganoong bansa?
Nakuha po ng Israel ang West Bank mula noong salakayin siya ng Jordan, sa isang digmaan na pinasimulan ng Egypt at Syria, upang wasakin ang bansang Israel.
O...sandali lang, bawal po ang manalakay ng ibang bansa, di po ba?
Noong 1967 ay hindi sumang-ayon ang United Nations na ideklara na ang Israel ang nagpasimula ng digmaan, sa kabila ng paulit-ulit na pamimilit ng mga Arabo at ng Soviet Union.
Ayon sa resolusyon bilang 242 ng Security Council, hindi pinaaalis ang Israel. Kundi, ang hinihingi ng United Nations ay
ang pag-uusap sa isang solusyon na magbibigay sa Israel ng "secure and recognized boundaries", sa suma total: isang hangganan na hindi imposibleng defensahan.
Nguni't sandali lang, ano nga ba ang ginagawa ng Jordan sa West Bank? Ano ba ang legal niyang karapatan doon?
Bueno, ang Jordan, alam po ba ninyo, ay wala pong karapatan sa lugar na iyon!
Basta na lamang po inukupa ng Jordan ang territoryo, nang una niyang tinangkang wasakin ang Bansang Israel noon 1948, at binago ang pangalang na "Judea at Samaria" sa "West Bank".
Nguni't wala po silang nakumbinse; at halos walang kumilala sa legalidad nang pangungupkop ng Jordan,
maski yung ibang mga bansang Arabo.
Samakatuwid, kung wala pong legal na karapatan ang Jordan sa lupaing iyun, at walang bansang "Palestine"- kanino po ang teritoryong iyun?
Bumalik po tayo sa nakaraang panahon. Maski hindi na po sa kapanahunan ng Biblia, sa lumipas na 100 taong lang po.
Sinakop po ng Emperyong Ottoman ang buong rehiyon hanggang 1917.
Nang matalo ang Ottoman Empire noong WWI ay isinuko nito ang kanyang 500-taong kapangyarihan sa rehiyon sa Allied Forces, na siya namang nagbuo ng iba't-ibang bagong bansa mula dito.
Kinilala ng Foreign Minister ng Britanya, na si Lord Balfour, ang maka-kasaysayang karapatan ng mga Judio sa kanilang sariling lupain.
May isang maliit na lupain, na ang laki ay 1/2 ng 1% ng buong Middle East ang itinalaga para dito.
Binigyan ng League of Nations ang Britanya ng isang kapangyarihan upang lumikha ng isang Jewish Homeland.
Ngunit, sandali lang po. Alam po ba ninyo kung ano ang sumunod na nangyari?
Noong una po, ang Jewish Homeland ay binubuo ng magkabilang panig ng Ilog Jordan- yuong West Bank at East Bank.
Siguro naman po ay wala nang makapagsasabi ngayon na wala pang masakit na kompromiso na ibinigay ang mga Judio alang-alang sa kapayapaan.
Gayun pa man, hindi kaila sa League of Nations ang pangangailangan ng mga Judio ng sariling bansa- kabilang ang West Bank- na kinilala din ng United Nations pagkatapos ng WW2.
Noong matatapos na ang British Mandate, ay ipinagpasiya ng United Nations sa pamamagitan ng General Assembly resolution 181, na bumuo ng dalawang bansa: ang isa ay Judio at ang isa ay Arabo.
Tinanggap na rin po ito ng mga Judio at binuo na ang Bansang Israel, ngunit hindi po sumang-ayon ang mga Arabo at sumalakay po sila upang durugin ang bagong-buong Bansa ng mga Judio.
Ang Resolution 181 -isang non-binding recomendation, una sa lahat- ay nanatiling walang legal na katayuan.
Nang matapos ang digmaan ay nagkaroon ng ceasefire line, kung saan tumigil ang labanan. Dahilan sa pamimilit ng mga Arabo, ang linya na ito ay pinawalan ng kahalagahang politikal.
Kaya po sa kabila na ang linyang ito ay kadalasang binabanggit bilang "yuong hangganan noong 1967", hindi po ito kinilala noong 1967 bilang isang international border.
Kaya po ayon sa legal na katayuan ng West Bank ayon sa International Law
ay natutulad sa maraming mga lugar o teritoryo na pinagtatalunan pa, na HINDI maibibilang sa "occupied", halimbawa:
and Zubarah, ang mga isla ng Tumbs, ang Western Sahara ay ilan lamang sa maraming halimbawa. Hindi sila "occupied territories" bagama't nanatiling "disputed territories".
Kaya't bumalik po tayo sandali sa ating ilustrasyon upang tingnan ang kompletong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Kaya po nasa West Bank ang Israel ay dahilan sa naging resulta ito ng pagtatanggol niya sa sariling bansa. Hindi po dapat ituring ang West Bank bilang
"okupado" sa kadahilanan po na wala naman pong dating legal na bansa sa pook na iyun, kaya po ang tamang tawag sa lugar na iyun ay "disputed territory".
Ang pagpapartisyon na ginawa noong 1947 ay wala pa ring legalidad. Samantala, ang pagaangkin ng Israel sa lupain ay kinilala ng international community noong 20th century..
Iyan po ang dahilan kung bakit ang pagkakaroon at pagtatayo ng mga tirahan sa West Bank ay hindi dapat masabing ilegal.
Ito po ay hindi lamang personal na opinyon ko, nakabase po ito sa mga conclusion ng mga kilalang jurist, tulad nila Professor
Eugene Rostow, Justice Arthur Goldberg, at Stephen Schwebel na siyang dating namumuno sa Internatonal Court of Justice.
Kaya, ano po ang solusyon sa katunggalian sa West Bank? Malungkot mang sabihin, pero wala pa po tayong makitang madaling solusyon.
Ngunit ang tanging paraan upang may marating na kalutasan, ay kung ibabase po natin ang negosasyon sa mga bagay na legal at sa kasaysayan.
Kaya't kung maaari lamang po, ay iwasan po natin ang paggamit ng mga katagang "occupied territories", at "67 borders"... sapagka't hindi po iyan "politically correct".