Tip:
Highlight text to annotate it
X
Inaalok ng aming kumpanya sa internet ang mga produkto ng China.
Ang pangunahin naming binebenta ay electronic products accessories.
Marahil ang pinakapatok ay accessories ng laptop at cell phone.
Kamakailan, mabilis na umusbong ang B2C.
Tingin ko ay iyon ang tamang panahon para magnegosyo.
Ang pangunahin naming market ay US at Europe, gamit ang Ingles.
Nag-asam akong maging isang boss.
Syempre, ginusto ko ding magka-internet company. Pareho kong inasam.
Noong bata ako, hindi gaano ka- developed and internet.
Halos walang konsepto ng internet.
Iyon ay, noong bata ako, di ko naisip na ganito ang gagawin ko.
Tingin ko'y nasa dugo ko ang simbuyo ng pagnenegosyo.
Nagsimula ang kumpanyang ito noong Nobyembre 2007.
Noon, may mga 10 itong empleyado.
Pagkasali ko, may 30 tao, bagong-tayo ang website department.
Pinili ko ang AdWords bilang aming unang marketing method.
Tiwala kami sa Google bilang una sa online advertising sa mundo.
Sa saliksik, halos 70% ng US search engine market ay sa Google.
Kaya't napakalawak ang sakop nito.
Gumagamit kami ng AdWords sa tatlong lugar.
Una ang keyword bidding, na siyang mismong ginagawa ng AdWords.
Sa ikalawa, keyword bidding din, may kasama lang na mga tatak.
Ikatlo, ginagamit namin ang mga display ad nito.
Kasunod agad ng pagpa-ad sa AdWords, ang mga click ng customer.
Kung hindi dahil sa AdWords, di kami lalago nang ganoon kabilis.
Sa dulo ng 2008, mayroong 80 hanggang 90 empleyado.
Sa dulo ng 2009, mayroong higit sa 300 empleyado.
Sa dulo ng taong ito, magkakaroon kami ng 800-900 empleyado.
Sa madaling salita, iyan ang nangyari sa amin ngayon.
Taong 2009, nakamit namin ang 100 milyong (yuan) benta sa tatlong taon.
Sa taong ito, dodoblehin namin ang adhikaing iyon.
Nakatulong ang AdWords sa pagpasok ng karamihan sa aming kita.
Kung gusto mo ng mabilisang resulta, ang AdWords ay mainam.
Napakasimple ng AdWords at agaran ang maihahatid nitong resulta.
Hindi ito masyadong maabala at magastos kung susubukan.
Inirerekumenda kong magbukas ka ng account at subukan mo ito.