X
Create
Sign in

  • Movies
  • TV Shows
  • Music
  • Speeches
  • Gaming
  • Education
  • Beauty
  • Sports
  • Technology
  • Science
  • Health
  • Travel
  • Transportation
  • Career & Work
  • Hobbies
  • Animals
  • Home & Garden
  • Holidays
  • Relationships
  • Parenting
  • Food
  • Culture
  • Finance
  • Business
  • Legal
  • Arts

Paggunita kay Juan Luna Pambansang Pintor

Si Juan Luna ay tinaguriang Pambansang pintor ng Pilipinas dahil sa kanyang mga pamosong mga obra maestra tulad ng Spolarium, La Batalla de Lepanto at iba pa.
#Culture & Society #People #Juan Luna #Pambansang Pintor
Edit
539 views
1 editor
edited 1+ month ago
Home Annotations Editors
  • Images
  • Media
Share on facebook Share on twitter Share on Google+
Tip: Highlight text to annotate itX
Ibayong dedikasyon ang naging daan upang maging mahusay sa larangan ng pagguhit ang Pilipinong pintor na si Juan Luna. At upang lubos na maperpekto ang talento sa pagpinta, siya ay nanirahan sa mga sentro ng sining sa daigdig ang Roma, Paris, at Madrid. Dahil sa taglay na kakaibang talento sa pagguhit, kanyang napanalunan ang mga prestiyosong patimpalak sa Europa at Amerika. Napatanyag si Luna kaya't siya ay kinuha ni Haring Alfonso ng Espanya para iguhit ang El Batalla de Lepanto na isinabit sa senado ng Espanya. Naging mahalagang bahagi sa kilusang propaganda ang mural na Spoliarium na nagwagi ng gintong medalya sa pagdaigdigang kumpetisyon sa pagguhit sa Madrid noong 1884. Kasama ring nagwagi ni Luna ang kapwa Pilipinong si Felix Resureccion Hidalgo, na nagkamit ng ikalawang gantimpala. Ipinapakita sa Spoliarium ni Luna ang mga nagaganap sa ilalim na bahagi ng Coloseum sa Roma, kung paano kaladkarin ang mga bangkay ng hayop at gladyador matapos ang madugong pagsasagupa na labis na ikinasisiya ng mga emperador na Romano at libu-libong manonood. Dramatiko at makabagbag damdamin ang mga tema ng pagguhit ni Luna. Kalimitan niyang itinatampok ang temang Europeo, kagaya ng mga klasikal na eksena sa Roma. Gayunman, hindi nagpapakita ng anumang koneksiyon ang kanyang mga likha sa layuning ipinaglalaban ng mga propagandistang Pilipino sa Espanya. Maging ang pambansang bayaning si Jose Rizal ay nagsususpetsa na si Luna ay kumikiling sa adhikaing maka-Espanyol dahil sa hindi pagguhit ng mga temang laban sa mga Kastila. Sa kabila nito, labis pa ring ipinagmamalaki ng mga Pilipino sa Espanya ang tagumpay at katanyagan nina Luna at Hidalgo sa pandaigdigang kumpetisyon noong 1884. Dahil ito ay nagpapakita sa kakayahan ng mga Pilipino na makipagtagisan ng talento sa mga Europeo sa kanilang sa sariling lupain. Sila ay naniniwala na ito ay kumpirmasyon na ang mga Pilipino ay may kapabilidad na pamahalaan ang kanilang sarili. Subalit naging dahilan ng pagbabago sa buhay ni Luna ang kanyang pagkakabaril sa asawang si Maria Paz Pardo de Tavera. Labis ang pagseselos ni Luna sa kanyang asawa at ito umano ay may kalaguyong isang Pranses. Parehong napatay ni Luna ang kanyang asawa at ang kanyang biyenang babae. Gayunman, si Luna ay napawalang-sala ng korte sa Paris sa basehang pansamantalang pagkabaliw. Sa kanyang paghinto sa pagpipinta, muling nabuhay ang pakikipag-ugnayan ni Luna sa mga propagandista. Nabuo sa kanyang studio sa Madrid ang grupong Los Indios Bravos. Ang grupong ito ng mga Pilipino ay hindi lamang tumuon sa sining kundi maging sa isports at martial arts. Nang itatag ang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, isa si Luna sa itinalagang maging bahagi ng delegasyon para sa negosasyon sa pagkilala ng Paris at Amerika sa bagong republika. Habang siya ay naglalayag pabalik sa Pilipinas, dumaong ang barkong kanyang sinasakyan sa Hong Kong, kung saan siya inatake ng sakit sa puso na kanyang ikinamatay. Makaraan ang limang taon, siya ay kinilala bilang isa sa pinabantog sa pintor sa buong mundo. Ang kanyang huling obrang Peuple et Rois na nakumpleto noong 1889 ay ikinunsiderang pinakamahusay na lahok sa Universal Exposition sa Saint Louis, sa Amerika. Sa kasamaang palad, ang kanyang obra maestra ay nasunog noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Activity
  • Activity
  • Annotations
  • Notes
  • Edits
Sort
  • Newest
  • Best
Marjz annotated1+ month ago

Si Juan Luna ay tinaguriang Pambansang pintor ng Pilipinas dahil sa kanyang mga pamosong mga obra maestra tulad ng Spolarium, La Batalla de Lepanto at iba pa. ...

#Culture & Society #People #Juan Luna #Pambansang Pintor
Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Noong ika-7 Disyembre 1899, si Juan Luna ay inatake sa puso at namatay sa Hong Kong. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Ito ay isang kapisanan na binubuo ng mga manunulat na Pilipino na sina Jose Rizal, Felix Resurreccion Hidalgo, Padro de Tavera at Juan Luna sa mga bansang European. Ang layunin ng pangkat na ito ay upang magsulat ng poems, kuwento at mga artikulo sa pahayagan na nagpapakita ng kasalukuyang kondisyon ng Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol at friars . Ninais nilang ang mga tao na magkaroon ng kamalayan ng malupit at kahila-hilakbot na paggamot ng mga Espanyol patungo sa kanilang mga kapwa Pilipino. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Si Juan Luna sa kanyang estudyo sa Madrid.

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Dahil sa labis na pagseselos ni Juan Luna napatay niya ang kanyang asawa na si Maria Paz Pardo de Tavera at ang kanyang biyenang babae noong ika-23 ng Septiyembre 1892. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Ang Spoliarium ay obra ni Juan Luna naipinasa niya sa Exposición Nacional de Bellas Artes kung saan siya ay nagwagi ng gintong medalya. Inilalarawan ng Spoliarium ang pangyayari sa ilalim bahagi ng Coloseum. Ipininta sa larawang ito ang mga natalo at namatay na mga Gladiator. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Si Felix Resurreccion Hidalgo ay isang Pilipinong pintor at kaibigan ni Juan Luna. Noong taong 1884, nagwagi siya ikalawang gantimpala sa pagdaigdigang kumpetisyon na Exposición Nacional de Bellas Artes dahil sa kanyang obra na Las Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Ang El Batalla de Lepanto ay pininta ni Juan Luna noong taong 1887 sa Espanya sa kahilingan ni Haring Alfonso at ito ay isinabit sa pasilyo ng senado ng Espanya. Ang kuwadrong ito ay naglalarawan ng pagkapanalo ng mga Espanyol laban sa mga Turko. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Habang si Juan Luna ay nasa Roma, Italya siya ay personal na nagpaturo ng pagpinta sa isang pintor na Espanyol na si Alejo Vera. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz annotated1+ month ago

Si Juan Luna ay ipinanganak noong ika-23 ng Oktubre 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena Novicio. ...

Permalink Edit Editors
Share

Share this annotation:

Marjz created this page1+ month ago

Hello world. It's a new page!

Marjz edited1+ month ago

Paggunita kay Juan Luna Pambansang Pintor

English Worldwide About Copyright Privacy Terms
© 2023 Readable
Photos Media Bookmark
X Annotate