Tip:
Highlight text to annotate it
X
Sa abot ng ating nalalaman, may mga 4.5 bilyong taon na ang nakaraan ang batong tinitirhan natin ay pinagsanib
mula sa alikabok at labing natira mula sa pagkabuo ng ating araw. Nang walang eroplano, pizza delivery,
o Internet, mas mabagal gumalaw ang mga bagay noong sinaunang mundo kaysa sa ngayon.
Halimbawa, mula sa hiwa-hiwalay na tubigan, nabuo ang mga karagatan sa loob ng 400 hanggang
800 milyong taon. Ganoon katagal para pahabain ang iyong buhok sa palibot ng mundo
- nang dalawang beses. Sa parehong panahon, kumalat ang bakterya sa buong matubig na mundo. Ang mga
mas mataas na halaman at hayop, sa kabilang dako, ay mas matagal ang pagyabong at pagkalat. Ngunit
lalaktawin natin ang 3 bilyong taon na iyon (kung kailan ang iyong buhok ay umabot na sa buwan)
at pag-uusapan ang tungkol sa atin, *** sapiens. Mas mabilis tayo sa ating buhok, na tutubo nang
27km pa lamang sa loob ng 180,000 taon nating tinawid ang Aprika at narating ang mga tunaw nang yelong
mga kontinente.
Sa karamihan ng mga lugar na ito nalinang natin ang mga kapaki-pakinabang na gawi tulad ng agrikultura, pero dahil
nagkalat tayo sa mundo, ang mga pinakamagaling na ideya at pinakamalinamnam na pagkaing rehiyonal ay maisusulong
lamang sa pamamagitan ng pangangalakal o paggalaw ng tao. Ang trigo, halimbawa, ay naging domestikado
noong 8500BC sa paggawa ng lugaw. Mayroong nagpa- panakula na baka ginamit ito para sa serbesa, gayon pa man
ang trigo ay nakarating mula sa Fertile Crescent tungo sa Atlantiko at sa Pasipiko noong mga
2500BC.
6000km sa 6000 taon ay maaaring isiping napakabilis, pero hintayin natin ang Middle Ages! Ang
bubonic plague at ang imprenta ay kapwa kumalat sa Europa sa mas mababa sa isang daang
taon, na nagdala ng kamatayan at karunungan sa sangkatauhan bago pa tumubo ang buhok nila nang
15 metro. Sa ika-20 siglo, ang pagkahumaling kapwa sa Beatles at sa Hula hoop ay tumakbo
paikot ng mundo sa isa o dalawang taon. Ngayon maging ang taon ay mahabang panahon. Sa milyon-milyong tao
na nililibot ang mundo araw-araw, ang mga sakit tulad ng SARS ay maaaring magbakasyon kahit saan
sa loob lamang ng iilang linggo. At ang mga 0 at 1 na bumubuo sa video na ito ay inaabot, karaniwan, nang
mas mababa sa ikasampu ng isang segundo para makarating sa iyo - halos kalahating nanometer, o dalawang atom,
ng pagtubo ng buhok.
Sa madaling salita - talagang bumilis na ang paglalakbay sa mundo!
Ngunit paano natin alam ang mga ito? Paano natin nalaman ang mga nangyari sa mundo bago ang mga tala
ng nasusulat na kasaysayan? Bakit sa tingin natin na 4,500,000,000 taong gulang na ang mundo? At ano pa kaya
ang maaaring mangyari sa susunod na 45 taon?
Maligayang pagdating sa kuwento ng ating kaalaman tungkol sa mundo at kung paano natin ito nalaman.
Ito ang MinuteEarth.