Tip:
Highlight text to annotate it
X
Maraming iba't-ibang tao sa buhay ko. Mga kaibigan sa kolehiyo, pamilya, mga kasama sa trabaho
at mga kaibigang mahilig sa bisikleta -- ilan lamang ito.
Marami akong ibabahagi, ngunit ayaw kong ibahagi lahat ng bagay sa lahat ng tao.
Paano kung ang online sharing ay katulad ng tunay na relasyon sa buhay, kung saan mapipili mo
kung sino ang makakaalam ng ano?
Sa Mga Lupon, maibabahagi ko ang aking mga larawan ng party sa aking mga kaibigan sa kolehiyo.
O kaya, ang aking mga pakikipagsapalaran sa pagbibisikleta at ng mga kasamahan ko sa pagbibisikleta.
At kumuha rin ako ng magagandang larawan sa pagtatapos ng aking kapatid, kaya nais kong tiyaking ang mga ito ay
makikita ng aking pamilya.
Ang paglikha ng Mga Lupon ay talagang simple lang.
Kapag nagdagdag ako ng mga tao sa mga lupon sa Google+ makikita nilang konektado ako sa kanila, ngunit
hindi nila makikita kung saang lupon ko sila inilagay.
At ayoko ring madalas makita ang mga update ng lahat bawat oras. Kaya tinutulungan ako ng Mga Lupon na
putulin ang ingay sa pagpili ng mga taong gusto kong marinig.
Hinahayaan ka ng Mga Lupon na ibahagi ang mahalaga, sa mga taong mahahalaga.
Kaya ituloy ang sayawan: hindi kailangang malaman ni Tita Ruth...