Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ang Tofino ay nasa kanlurang baybayin ng isla ng Vancouver.
Ang pinakamalapit na lungsod ay isang tatlong oras na biyahe sa sasakyan.
Wala masyadong kalsada sa kanlurang baybayin, maraming pagtuklas na gagawin mo
ay sa pamamagitan ng bangka o eroplano.
Makikita mo, ito ang peninsula ng Tofino. May daan-daang isla
at pag ipinakita mo buong isla may daan-daang milyang di pa natutuklasan.
Nakita ng kaibigan ko ang along ito sa Google Earth. Di ko talaga
alam kung ano sinasabi niya noong una niyang sinabi iyon.
Ipinakita niya sa akin ang alon at sabi ko, para itong, ang
pinakamahusay na nakita ko. Alam mo, talagang ginanahan ako doon.
Naghanap ako at gusto ko subukang makakita ng mas mahusay na alon.
Pagkatuklas namin ng alon sa Google Earth, maraming site ang pwede naming tingnan
para sa pagtataya ng panahon.
Mababantayan namin ang weather buoy na nagbibigay ng ulat sa swell oras-oras
at kung sumakay kami, maaaring magbangka at kumuha ng magandang alon sa hapon.
Umaasa akong makakita ng alon na pinakamahusay kong na-surf.
Iyon ang gusto kong makita.
Ang makapunta sa lugar kung saan konti pa ang naka-surf na naroon na daan-daan,
o libu-libong taon, na napapag-isip ka kung ano pa ang naroon
at kung ano pang posible nating makita.