Tip:
Highlight text to annotate it
X
Zero
Pinanganak tayong lahat galing sa iisang Materya
Subalit, Hindi tayo pinanganak na pantay pantay
Kung magiging sino ka? Kung magiging ano ka?
Ang iba nama’y pinganak para maging pinuno, Na makakaapekto sa pagbabago ng nakararaming mamamayan
Ang iba naman ay sa kapangkaraniwanan, Nabubuhay na hindi tumatatak kung kaninuman
Pero sa iba
Ang buhay ay isa lamang patuloy na laban na wala man lamang oportunidad para maialay
at paano ang mula sa wala ay. . . na maging isang bagay?
Ang eskwelahan ay isa lamang lugar para sa kanila’y makatanggap ng atensyon
Doon nalaman ang aral at importansya sa kanya ng lipunan
At kung saan ipinagbabawal ang pagdami ng tulad nila
Minsan ginagamit si Zero para maramdaman na sila’y mas malaking bilang
Pero ang mga bata ay gusto lamang Ipaalala na si Zero ay kahit sa anong paraan ay isang Zero pa rin
At sa pagtanda ng mga Zero, sila’y tumatahak ng daan magisa
Kahit na sa maikli nilang pagparito, Alam ni zero na sila’y may maitutulong
Hindi hinahayaan ni zero na mapabagsak ng kahit ano mang pangit na pangyayari. . .
Dahil hindi nya nais mapabilang pa sa mga negatibong numero
Hindi ito ang unang beses na magising syang bugbog at sugatan. . .
Pero ang araw na ito ay naiiba
Ito ang unang beses na hindi man lamang namalayan and bilang nilang kakaunti
Sa pakikisama ng bagong kaibigan, Naranasan ang importansya na maikukumpara kagaya kay ikatlo. . .
O kay ikaapat
Pero ang pinakamagandang maramdaman
Na maramdamang ika’y nabibilang
Nabura na ng kahapon ang buhay ng pagiisa
Pati na ng mga salitang naghahayag sa kanilang bawal na pagibig
Sa pagpatuloy ng mundo na wala sya
Hindi alam ni Zero kung papaano pa magsisimula kung wala ang pagmamahal nya
Isang simbulong walang katapusan ang nakaburda sa bagong silang
At ito ang pinakamalaki at pinakarespetadong numero na noo’y wala pang nakakita
Alam nyang mula sa wala. . .
Nakalikha sila ng isang tunay ngang kahangahanga
Ang Simula
Translated by: Radian Santiago radiansantiago@gmail.com