Tip:
Highlight text to annotate it
X
Gusto ko ng isang Tagapagligtas, na tunay ngang nagliligtas.
Sa aking mga kasalanan.
Kung ang sinuma'y magkasala, dapat nating alalahanin na mayroon tayong tagapagtanggol,
huwag mong ikabahala ang iyong nagawa o hindi pa nagawa.
Tumingin ka sa Tagapagligtas.
Meron kang tagapagtanggol.
Kung wala Siya ay hindi mo kakayaning humarap sa Diyos na buhay.
Nasa atin ang pinakamahusay na abugado.
Hindi Siya natalo sa kaso kailanman.
Hindi Siya nabigo kailanman.
Si Hesu Cristo, ang matuwid.
Hindi na ito patungkol sa kung anuman ang ating mga nagawa,
ni hindi mo rin kailangang sumama sa mga nag-aalay ng hayop sa mga kagubatan sa Aprika para iyong mga nagawang kasalanan;
wala yaong maidudulot na mabuti sa iyo kaunti man.
O magpunta kaya sa mga kabundukan ng Andes at mag-alay ng mga birhen para sa iyong mga kasalanan, ay wala ring magagawang mabuti sa iyo.
O maghandog ka ng santambak na langis at libo libong hayop, yan ay pawang wala ring magagawang mabuti sa'yo, gaya ng sabi ni Propeta Mikas.
O kaya'y maka-akay ka ng sanlibong kaluluwa para kay Kristo, ngunit yan ay wala ring magagawang mabuti sayo,
upang ikaw ay kalugdan ng Diyos, at upang i-antala ng Diyos ang parusa sa iyo.
Wala, wala!
Kaya nga kailangan nating lumapit kay Kristo,
"Wala po akong dalang anuman, wala po Panginoon!"
"Wala akong pag-asang makatindig at humarap sa Diyos na buhay, sa Araw na iyon, kung hindi dahil sa Iyo, at sa Iyong ginanap."
Si Kristo lamang, Siyang ipinako sa krus.
'yan ang maluwalhating mabuting balita.
Hindi tungkol sa kung sino ang gumawa ng anuman,
Ito ay tungkol sa kanyang katauhan.
Kaya ating inilalagak ang ating pananalig kay Hesu Kristo.
Ang Kanyang katauhan, at ang Kanyang ginawa doon sa krus, si Hesu Kristo ang matuwid.
Iyan ang ating lakas ng loob.
Oo, meron tayong mahusay na abugado, nasa atin si Hesu Kristo, ang matuwid.
Siya'y hindi gumawa ng kasalanan, wala Siyang kasalanan, sa Kanya'y walang anumang kasalanan.
Namuhay Siyang ganap. Ganap din ang Kanyang kamatayan, ngunit Siya'y nabuhay na muli taglay ang dakilang kapangyarihan.
Sinabi ni Hesus "Naganap na!" (Juan 19:30) at sinabi ng Diyos "Naganap na nga", at Siya'y ibinangon ng Diyos mula sa libingan.
At Siya'y iniluklok sa kanang kamay ng Diyos, nang may buong kapangyarihan, at hawak ang lahat ng mga bagay.
Siya, si Hesus na taga-Nazaret, Siyang pinagkalooban ng kapangyarihan sa lahat ng nilalang upang magbigay ng buhay na walang hanggan sa mga taong ibinigay sa Kanya ng Ama.
Sasabihin kong "Panginoong Hesus, nananalig po ako, sumasampalataya po ako, sumasampalataya po akong Ikaw ay namatay para sa akin."
"Tunay Mong pinalubag at inialis ang poot ng Diyos!"
"Dahil sa ginanap ni Hesus, ay may lakas-loob na akong humarap sa Diyos sa Araw ng paghuhukom."
Walang pag-ibig na hihigit pa rito: ang i-alay ng isang tao ang kanyang buhay para sa kanyang kaibigan.
Ang pinaka katibayan ng pag-ibig ng Diyos sa iyo bilang isang mananampalataya.
"Kamangha-manghang pag-ibig, lubhang makalangit, na ang sukli'y buhay ko, kaluluwa, lahat sa akin!"
"Sapagkat si Hesus ay namatay para sa akin, tunay na para sa akin."
Wika ni C.T. Studd "Kung si Kristo ay Diyos at namatay para sa akin, walang bagay na hindi ko kayang ihandog sa Kanya."
Kailangan mong tumakas mula sa darating na galit!
At sabihin mong "Panginoong Hesus, nananampalataya po ako, nananampalataya po akong namatay ka para sa mga makasalanan, makasalanang tulad ko,
Patungo ako sa impyerno, walang dahilan upang akoy isama mo sa langit, ngunit akoy nananalig na Ika'y namatay, at totoong binayaran ang aking kasalanan."
'Yan ang ebanghelyo.
Ang mabuting balita ay... bagama't ako'y makasalanan at karapat-dapat sa impyerno,
ngunit ngayon ay isang ganap at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos!
'Yan ang mabuting balita.
Dahil sa ginawa ni Hesus.
Luwalhatiin ang Diyos! at Luwalhatiin ang Kordero magpakailanman.
Sa Kanya ang kaluwalhatian, kapangyarihan, karangalan, at pamumuno magpakailan pa man, dahil sa Kanyang ginawa.