Tip:
Highlight text to annotate it
X
Dagdag sa pagsasaayos, pag-edit, at pagbahagi ng mga larawan mo, pahihintulutan ka ngayon ng Picasa
na mabilis at madaling magdagdag ng mga name tag sa iyong mga larawan. Base sa parehong teknolohiya na nagpapagana sa face-tagging
sa Picasa web albums, gumagawa ang Picasa ng pangkat ng mga larawan na nakaayos base sa pinakamahalaga:
mga tao. Sa unang mong paglunsad ng Picasa 3.5, ito ay
awtomatikong magsisimulang mag-scan ng iyong mga larawan para sa mga mukha.
Agad mong maita-tag ang mga mukhang mahahanap nito sa pamamagitan ng pag-click sa isang pangalan sa ilalim ng larawan
at mag-type ng pangalan. Siguruhin na naka-sign-in ka sa iyong Google account
para ang mga pangalan ay awtomatikong makumpleto gamit ang iyong mga contact sa Google.
Kapag nagdagdag ka ng name tag, may bagong album na magagawa sa koleksyon ng Mga Tao, at makakalipat ka
sa pagitan ng mga mukhang naka-zoom in at mga buong larawan. Nagpapakita ang Picasa ng kulay orange na question mark kapag
nakakahanap ito ng karagdagang mga mukha na maaaring tugma sa mga nai-tag mo na.
I-click ang check na pindutan upang kumpirmahin ang mga mungkahi na mukha nang isa-isa o minsanan lahat.
Kung nasa karaniwang photo album ka, lagi kang maaaring magdagdag ng mga name tag gamit ang panel ng Mga Tao.
Matapos kang makapagdagdag ng ilang mga name tag, magagamit mo ang mga album ng mga tao na iyong ginawa upang mahanap
ang lahat ng mga larawan ng dalawa o higit pang mga tao sa parehong larawan.
O gumawa ng collage ng mukha sa pamamagitan ng isang click. At, syempre, makakapag-upload ka at makakapagbahagi ng
buong album ng isang tao sa Picasa web. Anumang mga name tag na iyong idinagdag sa Picasa ay awtomatikong
mailalagay sa Picasa Web albums, kapag nag-upload ka. Kung dati ka nang nagdagdag online ng mga name tag,
madali mo din itong maida-download sa Picasa.
Bukod sa name-tagging, isinama din namin ang Google Maps upang mas padaliin
ang pag-geo-tag sa iyong mga larawan. At binago namin ang disenyo ng kwarto ng Pag-import upang
padaliin ang pagbahagi nang mas madaming mga lawaran sa mas madaming mga tao. Maaari mong lagyan ng star ang iyong mga paborito, i-upload ang mga ito sa
Picasa web albums at ibahagi ito sa iyong mga pangkat ng contact sa google, lahat habang
nag-iimport mula sa iyong camera o memory card. Upang magsimula sa Picasa 3.5 para sa PC o sa Mac,
bumisita sa picasa.google.com.