Tip:
Highlight text to annotate it
X
Para makita natin ang isang bagay, kailangan nitong direktang magpakawala ng ilaw (tulad ng araw
o lightbulb filament o alitaptap) o magkaroon ng mga photon ng ilaw na tatalbog dito
at sa ating mga mata.
Pero paano natin nakikita ang ilaw mismo? Hindi pwedeng patalbugin ang ilaw sa ilaw (tulad ng hindi
pagpapatalbog ng mga wave ng slinky o ripple sa tubig sa isa't isa - tumatagos lamang sila!),
at, kung "titingnan" ang isang photon ng ilaw sa normal na pang-araw-araw na paraan, ibig sabihin na ang mata
o kamera o photodetector ay i-aabsorb ito - at wala na ito. Nasira! Nawasak!
Parang kung gusto mong subukin kung gaano kabigat ang kayang suportahan ng tulay bago ito mahulog...
pagkatapos masukat, nakuha mo na ang impormasyong gusto mo pero wala ka
nang tulay.
Kaya para "makita" ang ilaw, kailangan nating gumamit ng di-destruktibong pagsubok.
Isang paraan para gawin iyan ay gumawa ng sobrang dilim at lamig na kahon at pabalatan ang loob nito
ng isang sobra-sobrang kintab na salamin - salamin na sobrang maaninag na ang mga photon ng ilaw
ay tatalbog-talbog nang higit sa BILYONG beses bago ito ma-absorb. Sa panahong iyon, lalakbayin
nila ang distansyang katumbas ng isang trip paikot ng mundo.
Ang kahong ito ay sobrang lamig at dilim na bihirang magkaroon ng kahit isang photon
sa loob. At kung meron man, paano natin masasabi nang hindi ito masisira?
Magpapadala tayo ng atom sa kahon, isang atom na nasa superposition ng dalawang magkaibang estadong atomiko,
tulad lang ng pusa ni Schrödinger! Kung may photon sa loob ng salaming kahon, paglabas
ng atom sa kabila, malamang na masusukat natin ito bilang tiyak na nasa isa
sa mga estado - tawagin natin itong "patay." Pero kung may photon sa loob, at dahan-dahan
tayong magpapadala ng isang atom nang hindi natin talaga masisira ang photon, ang mga ugnayang atom-photon
ang babago sa kapalaran - kaya mas malamang ngayon na ang atom ay "buhay." Pagkatapos
magpadala ng kaunting atom, kung karamihan ay nasa "buhay" na estado, alam natin na may
photon sa loob ng kahon! At kung "patay": walang photon.
Parang pagpapadala ng isang pinwheel sa isang madilim na kamara, at kung lumabas
itong umiikot, alam mong humahangin. Kung hindi? Walang hangin.
Katunayan, pagkaalam nating may photon sa loob, magagamit natin itong cat measure technique
upang sukatin at manipulahin ang ibang bagay tungkol sa photon: makikita natin kung gaano katagal
ito tatalbog-talbog bago ito ma-absorb, tiyakin kung ito ay nasa superposition at ipilit ito sa
superposition tulad mismo ng pusa ni Schrödinger - kaya, hindi lang natin kayang makita ang ilaw,
magagamit din natin ang pusa ni Schrödinger para sukatin ang pusa ni Schrödinger: Quantum Catception!