Tip:
Highlight text to annotate it
X
Mahahanap mo ang lahat ng iyong paboritong entertainment sa Google Play
at mae-enjoy ang mga pelikula, musika, at
higit pa - sa computer mo mismo. Maaari ka ring maghanap at mag-download ng
apps at mga laro,
ngunit magagamit mo lang ang mga ito sa iyong mga sinusuportahang Android device
at hindi sa iyong computer. Narito kung paano ito gumagana: Ipagpalagay natin na naghahanda ka para sa isang mahabang biyahe
at kailangan mo ng ilang masayang bagay na maaaring gawin pampalipas oras.
Una, buksan ang Play Store app sa iyong telepono o tablet
at mag-download ng item. Sa susunod na bisitahin mo ang Google Play sa iyong computer
sa play.google.com, maaari mong piliin ang device kung saan mo gustong mag-install ng isang bagay
Kaya para sa app iyon na may mga nakahandang mapa, piliin ang iyong telepono mula sa iyong mga naka-link na device.
At para sa lahat ng laro para sa pamilya, piliin ang iyong tablet.
Gamit ang isang mobile data o koneksyon sa Wi-Fi, direktang dina-download ang iyong mga item sa iyong mobile device
nang hindi kailangang kumonekta sa iyong computer. Kaya sa susunod na gustuhin mong mangolekta
ng apps at mga laro para sa iyong mga Android device,
maaari kang mamili sa Google Play sa iyong computer at hayaan ang Google Play na gawin ang iba