Tip:
Highlight text to annotate it
X
Minsan kapag naghahanap ka, ang pagkakaroon ng impormasyon
mula sa mga kakilala mo ay talagang maaaring maging kapaki-pakinabang.
Tulad nang kapag nagpaplano ka ng paglalakbay, hindi ba magandang makakita
ng mga rekumendasyon at opinyon mula
sa iyong mga kaibigan at mga contact?
Kapag nagsa-sign in ka sa iyong Google account at nagsagawa ka ng
paghahanap, magsisimula kang makakita ng mga resulta mula sa mga tao
kung kanino ka konektado sa Blogger, Twitter, Flickr, at mga
site na available sa publiko.
Sa ibaba ng mga resultang ito makikita mo ang mga pangalan at larawan
sa profile ng mga tao na nagbahagi o nag-publish ng
impormasyong ito.
Ipagpalagay na nagpaplano ako ng parating na paglalakbay at iniisip ko ang
tungkol sa pag-hike.
Nakikita kong nag-tweet ang kaibigan kong si Matt tungkol sa kanyang
masayang pag-hike sa Yosemite.
Mukhang iyon ang perpektong paglalakbay para sa akin.
Ngayon kailangan kong alamin kung saan ako mananatili.
Kapag naghanap ako ng campsite, nakikita ko ang Flickr album ng kaibigan kong
si Jill mula sa kanyang paglalakbay sa Yosemite.
Mukhang napakaganda ng view mula sa campsite niya kaya susubukan kong
doon manatili.
Nagpapaalala sa'kin ang mga larawan niya na dapat akong magkaroon ng mas magandang
camera para sa paglalakbay na ito.
Kapag naghanap ako ng camera, nakikita ko ang resultang blog mula kay Ariana.
Pagtapat sa pangalan niya, naalala kong isa siyang
propesyonal na photographer na sinusubaybayan ko sa Twitter.
Magki-click ako sa blog niya at titingnan kung ano'ng inirerekumenda niya.
Subukan mo mismo.
Makakakuha ka ng mga ideya at rekumendasyon sa mga tao
na iyong pinagkakatiwalaan, sa iyo mismong mga resulta ng paghahanap.
Kung gusto mo ng higit pang nilalaman at rekumendayon maaari kang
mag-link sa iyong Twitter, Flickr at iba pang mga account.
Iyon ang lahat ng inaasahan mong maganda sa Google, at
ang mga opinyon ng iyong mga kaibigan, kapamilya, at iba pa sa web,
kung kailan mo pinaka-kailangan.