Tip:
Highlight text to annotate it
X
Filipino Captions by Zero Mella MD
Pakawalan nyo ko dito!
[Screams, indistinct]
[Gasps]
Hay [Screams] Mga hayop, pakawalan nyo ko
[Indistinct screaming]
Walang pinatatawad ang rabies
Sa sandaling lumitaw ang simtomas nito
Wala nang makapagpipigil sa infection
Hindi biro ang mapait na katotohan may
isang Pilipinong namamatay araw-araw dahil sa kagat ng asong ulol
Marami sa mga ito, lalo na sa probinsya
ay lumapit muna sa albularyo o sa supsop
Na naniniwala sa bawang at batong buhay na
wala namang bisa laban sa rabies
Nang maalala nilang tumakbo sa duktor
Huli na ang lahat
Ang rabies ay makukuha mula sa isang virus
na taglay ng laway ng isang hayop na may rabies
at ang buong takbo ng pamiminsala nito
ay nahahati sa tatlong yugto
Ang unang yugto ay nagsisimula kasabay ng
pagpasok ng virus sa loob ng katawan
dahil sa kagat ng hayop na may rabies
O 'di kaya'y paghimot nito sa sariwang sugat ng tao
Hugis bala ang virus na ito
At ganito kung umatake
Kumakapit ang virus sa malusog na nerve cell
at siya'y tinatanggap nito
Pag dating n'ya sa loob, ito'y agad-agad nagpaparami
kasabay ang walang habas na pamiminsala
'Di magtatagal, iiwanan ng bagong pulutong na ito ang kumupkop sa kanila
sa bilis na tatlong millimetro bawat oras
ang virus ay tahimik na nagpaparami at gumagapang
hanggang makarating sa utak ng walang kamalay-malay na biktima
Sa nobenta porsyento ng kaso
ito'y tumatagal ng dalawampu hanggang siyamnapung araw
Mula naman sa utak
Ang virus ay lalakbay
hindi na mapipigilan ang pagkalat
At pinsala na ihahatid nito
sa iba pang parte ng katawan
Sa pangalawang yugto
ang biktima ay makakaramdam na ng pagbabago
Gaya ng paghahapdi
at pamamanhid sa dako ng sugat
Bagama't ito'y magaling o paggaling na.
Sakit ng ulo at lagnat
animo'y may trangkaso
magpapamalas din ang biktima ng lungkot
o pagkabalisa
sa mga kasong nakunan ng kamera
sa San Lazaro Hospital
ang mga pasyente ay nasa huling yugto na
ng infection nang madala sa hospital
Matutukoy na dito ang pangunahing simtomas ng rabies
Ang malaking pagkatakot sa tubig
Ito ang dahilan kaya noong araw, ang
tawag sa sakit na ito ay hydrophobia
Makakita lamang sila ng tubig
naninikip na ang kanilang lalamunan
gayu'y sila'y uhaw na uhaw
matindi rin ang kanilang mararamdamang takot sa hangin
na gumagapang sa kanilang mukha
ang biktima ng rabies ay nangangailangan ng kakaibang pangangalaga
Ang pasyente ay binubukod upang maiwasan ang panganib o pinsala
sa iba bunga ng karahasan
ang kanyang kwarto, mapa-ospital o tahanan man
ay kailangang madilim at tahimik
upang huwag maramdaman ang kanyang pangamba
Makakabuti kung maitago muna sa kanilang paningin ang tubig at iba pang likido
[Indistinct dialect]
Ang pag-apaw ng emosyon ay maaring palubhain
ng labis na kakulangan sa tulog
at sa kahit na napakaliit na bagay
ang maaring maging reaksyon nila ay matinding inis
takot at karahasan
ganumpaman, may diwa sila sa kanilang pakikipag-usap
at maaari silang pagpayuhan o umayon sa mga bilin ng doktor
ganun ma'y ay nararamdaman na nila na napipinto ang kanilang kamatayan
makakabuti sa pasyente kung may kapamilyang makadiig sa mga sandaling ito
may mga pagkakataon na magpipilit ang pasyente
kumain dahil sa tindi ng gutom ngunit
ang lalong matinding uhaw ay hindi nya malunasan
sapagkat imposibleng uminom
Makakaranas din s'ya ng hirap sa paghinga
at paglunok at pakiramdam nya'y sinasakal
Mamumuo ang plema sa kanyang bibig at lalamunan
at ito'y sisikapin niyang idura at i-ubo upang lumuwag ang paghinga
Pahiran ng tissue paper ang sobrang uhog at plema
at itapon ng maingat sa isang basurahan
maging maingat din sa pagtapon ng natirang pagkain ng may sakit
at huwag hayaan makain ng ibang tao o hayop
Lahat ng katulong sa pag-alaga sa pasyente
ay kailangang may sapat na proteksyon
tulad ng gwantes, panakip sa mata, ilong at bibig
Nararapat ding dalasan ang paghuhugas ng kamay
Kailangan bantayan palagi ang pasyente dahil maari siyang magpumilit makaalis sa kanyang silid
Mahahati siya sa paghahalinhinan ng kapusukan at hinahon
Sa huli, unti-unti mapa-paralisa ang kanyang katawan
hanggang mawalan ng pakiramdam at malagutan ng hininga
Ang silid na kinamatayan ay kailangan linisin ng lubos at gamitan ng disinfectant
Tandaan, nakakalipat ang virus sa pamamagitan ng laway
kung kaya may panganib lamang sa pakikipaghalikan ng lips to lips at hindi sa simpleng hipo o haplos
Nasa panganib din ang mga kumatay o humawak ng kontaminadong karne
lalo na ang kumain ng half-cooked na laman o utak ng asong ulol
Para sa mga nakagat ng aso, ang wastong paraan
ng pag-iwas sa rabies ay sa maagap na paglapat ng lunas
kung maari'y sa pagkarakang siya'y makagat
ang sugat ay dapat hugasang mabuti ng sabon sa dumadaloy na tubig
ng lima hanggang sampung minuto upang maalis ang laway ng nakakagat na aso
Pagkatapos ay pahiran ng tintura de yodo ang sugat
at isugod ang biktima sa pinakamalapit na hospital, health center, o animal bite treatment center
Ang doktor ang magpapasya kung kailangan bakunahan
ang nakagat at kung anung klaseng bakuna ang gagamitin
upang maagapan ang infection
Depende sa pagsusuri ng doktor, maari din siyang bigyan ng inheksyon laban sa tetanus
Samantala ang asong nakakagat ay kailangang mahuli
at italing mabuti o ikulong at obserbahan ng labing apat na araw.
May mga palatandaan ang hayop na may rabies.
kagaya ng kapansin-pansing pagbabago ng ugali,
tulad ng pagiging biglang matamlay
O 'di kaya'y biglang babagsik. Kapunapuna
din ang pagiging balisa ang aso
Bantayin din ang panlilisik ng mga mata
Minsan ito'y parang manhid sa sakit at sobra sa lakas,
kakagatin nito kahit anong bagay gaya ng kulungan
hanggang magkasugat-sugat ang kanyang gilagid
Mapapansin din sa mga sumusunod pang araw ang sobrang
paglalaway ng aso dahil sa pagkakaparalisa ng kalamnan
ng panga at lalamunan
Sa kalaunan, ang buong kalamnan ay mapaparalisa hanggang sa mamatay
Ang asong magpakita ng ganitong palatandaan ay kailangang
maisakripisyo agad ng may-ari upang maipasuri ang utak nito
Madaling pagkasyahin ang buong tuta sa isang plastik bag
subali't kung ang aso ay malaki na, kinakailangang
pugutin ng ma-ingat ang ulo nito
Ang maatasang gumawa nito ay dapat gumamit ng
panakip sa mata, ilong at bibig kasama ng gwantes at kapote
bilang proteksyon sa talsik ng dugo at
laway na maaring may taglay na rabies
Ibalot ang buong ulo sa makapal na plastic
bag at ipaluob sa isang styropore chest
na may sapat na yelo para sa byahe patungong laboratoryo
Narito ang listahan ng mga laboratoryong maaring pagdalhan kapag ng mga ipasusuring aso
Ang rabies ay matagal nang namiminsala ng tao
May katibayan na sa Mesopotamia, may apat na libong
taon na ngayon ang nakakaraan
ang may ari ng nakakagat na asong ulol ay pinaparusahan
Noon pa man ay malinaw na na ang
pinakamabisang pamugsa sa salot na ito
ay ang responsableng pag-aalaga ng aso
ang pinaka-unang hakbang patungo sa
pinakamabisang proteksyon laban sa rabies
ay isinagawa noong 1885
nadiskubre ng sayentipikong pranses na si
Louis Pasteur
ang bisa ng bakuna, ang paggamit ng kaunti
at pinahinang virus
upang palakasin ang depensa ng biktima, laban
sa sakit na dulot ng virus na iyon
Sa ganiton paraan, nasagip sa kauna-unahang pagkakataon
ang buhay ng isang batang nakagat ng asong may rabies
Mula noon, ang paraang ito na patuloy na
pinaghusayan ay ginagamit sa buong mundo
upang maagapan at mapuksa ang rabies
Nagbabakuna kami ng aso in the hope na i-break
yung dog to man transmission
Ang target namin ay makabakuna ng 80% ng dog population
Ni-rerequire po namin lahat ng aso dito na dapat ma-injection-an
para kung magkaruon ng problema, hindi masyado
mapapalaki ang problema ng may-ari ng aso at yung makakagat ng aso
Sa ngayon ang tinatayang gastusin para
sa isang taong nakagat ng aso
ay mahigit sa apat na libong piso para
sa simpleng kagat
at maaring umabot ng dalawampu't apat na
libong piso kung ang kagat ay sa mukha
leeg o malapit sa ulo
Samantala, wala pang singkwenta pesos ang halaga ng bakuna para sa kaligtasan ng alagang aso
Usually, ang mga baranggay captains, sila ang
mga nagtatawag sa mga komunidad
mga tao na dalhin ang aso nila sa vaccination site
Usually ang mga vaccination site namin ay malapit sa mga bahay-bahay.
Meron po tayong municipal ordinance at meron po kaming BHW
na sya pong nag-coconduct ng information and education campaign
tungkol po sa anti-rabies
at ito po ang ginagamit namin upang magkaroon ng aral at pakisama ang mga may ari ng aso
na sila ay mayroong responsibilidad
taon taon po ito dinadala naman namin ito sa center
paningurado lang ba pag makakagat ba, at least safety ka doon
Unang-una sa wastong pag-aalaga ng aso, pababakunahan ang aso mo
Pangalawa, itatali o bibigyan siya ng magandang kulungan at malinis
aalagaan siya at bibigyan ng wastong pagkain at tubig at paliliguan
yun lamang ang mga wastong pangangalaga
Ang bureau of animal industry ay handang handang sumuporta
sa inisyatiba ng mga komunidad tungo sa pagpuksa ng rabies
At ang pinakasusi nito ay ang wastong pag-aalaga ng aso
kung hindi po nila kayang gampanan ang responsibilidad ng pangangalaga ng mga aso at ng mga hayop
na maaring makapinsala, eh mas mabuti pa pong huwag na sila mag-alaga
Sa ngayon, mahigit sa animnapung bansa na ang
nag-ulat ng lubos na kaligtasan sa rabies
kabilang dito ang Japan, Malaysia, Taiwan at Australia
Ito'y makakamit din natin kung tayo'y tutulad sa kanilang
pupusan at taunang pagbabakuna ng kanilang mga alagang hayop
at hindi din natin hayaan gumala-gala ang ating mga aso
Sa madaling sabi, kung tayo'y magiging responsible pet owners
Dapat nating tandaan na ang rabies ay isang sakit na hindi likas sa tao
kung maagapan ito sa pamamagitan ng paglaganap
ng wastong impormasyon tungkol sa rabies
at sa tamang pangangalaga ng hayop at kapaligiran
walang kailangan dumanas ng kalunus-lunos na kapalaran
na idinudulot ng salot na ito.