Tip:
Highlight text to annotate it
X
Kamusta kayong lahat. Bago niyo panoorin ang episode 22.
Ipapakita ko sa inyo ang isang maikling clip kung na makikita niyo sa Where the Bears Are Season 2 DVD.
Panoorin niyo.
Scene 104.1. Take 1. Dapat naka-on iyan.
Howie, papasok ka dapat.
Tumahimik ka. Lalaslasin ko ang leeg mo.
Hinahanap ka ng pulis. Sa totoo lang, sila ay nasa kuwarto ni Wood.
Tumahimik ka, tabatchoy! Hindi ako makapaniwala sa iyo. Sinira mo buhay ko.
Sinaro mo ang sarili mong buhay! Oo. Pinatay mo ang iyong ex na si Elliot? Nahanap ko ang baril sa iyong opisina.
Kalokohan iyan. Ikaw ang naglagay doon.
Huwag mo nang pa-grabehin, Ivan. Ibaba mo ang kutsilyo. Hindi!
Bakit gusto ni Todd na makasama ka?
Hindi niya ba ako gustong makasama? Ibaba mo ang kutsilyo!
Hindi! Bakit walang nagmamahal sa akin?
Magaling, diba?
Maraming extra sa Season 2 DVD namin, pati din ang mga uncensored feature length na bersiyon ng aming palabas
at kapag sinabi namin na uncensored, ibig sabihin ay may makikita kayong mga puwet.
at maraming magagandang puwet sa DVD na ito.
Kasama din ang aming bagong 20 minutong Thanksgiving na espesyal.
Diba alam niyo na gumawa kami ng espesyal na palabas noong Pasko para sa unang DVD?
Ito ay isang espesyal para sa Thanksgiving. Siguro may nakikita kayong pattern.
Ipapakita din dito ang paborito ng mga fans na si Honey Garret, na babalik para sa palabas na iyon. Maganda talaga.
Meron din ang espesyal na kalahating oras na web cam episode ni Wood na ipinapakita ang
pasyal namin sa Mediterranean na ini-sponsor ng Cruise4Bears.
Nagsaya kami sa biyahe naming iyon at marami kaming ginawa na nakakaaliw.
Kasama din ang Soak 'Ems na komersiyal na ginawa ni Nelson habang nakasuot ng lampin.
Mukhang tanga talaga. Nakakatawa siya!
Oo. Magugustuhan niyo iyon.
Meron ding mga bagong mga pagkakamali sa mga eksena, outtakes, at mga tinanggal na eksena.
Maraming mga tinanggal na eksena. Masyadong marami kaming nakuha itong season at hindi namin maisama lahat sa palabas.
Meron ding mga komentaryo habang nag-iinuman kami ng maraming beer at
pizza, habang sinasabi namin kung anong nangyari habing kinukuhanan ang eksena. Maganda talaga.
Merong dumadaan na kotse kaya medyo hindi maganda ang sound. Didiretsohin ko na lang.
Sana tulungan niyo kami sa mga gastos namin para sa Season 2 at sana makaipon ng pera para sa Season 3.
Sa tulong lang ninyo namin magagawa ang palabas na ito. Kami-kami lang ang gumagastos dito
at sa tulong lang ninyo namin maipapagpatuloy ito.
Pumunta kayo sa aming online store wherethebearsare.tv at i-preorder ang iyong DVD ngayon.
Para makuha ninyo bago mag-Thanksgiving.
At puwede niyong panoorin ang Thanksgiving episode sa bahay habang kumakain kayo ng Thanksgiving dinner.
At kapag in-order niyo ang parehong Season 1 at Season 2 na DVD nang sabay, makakatipid kayo ng $5.
Maganda diba? Pero ito ang maganda dito.
Merong importanteng plot twist sa palabas na ito
at maganda sana kung huwag niyong sabihin sa iba
kaya huwag niyong sayangin para sa iba.
Huwag niyong banggitin sa FaceBook.
Pabayan niyong malaman ng iba tulad ninyo.
Sana magustuhan niyo itong palabas. Nasiyahan kami noong shinoo-shoot namin ito. Ingat kayong lahat.
Hindi tayo puwedeng magsama, Cyril! Hindi puwede kailanman!
Sabi ko na nga ba na hindi magandang paghiwalay it.
Jeremy!
Tangina ano ba ito?
Sino ito?
Siya si Cyril. Mahabang istorya. Hindi ka maniniwala kahit ikuwento ko sa iyo.
Diyos ko kung hindi ka dumating...
Okay ka lang?
Makakahinga na si Nelson ngayong nakakulong na si Cyril. Lahat tayo.
Kailangan ba akong mag-alala ngayon at dine-date na kita?
Parati kayong pinapaligiran ng mga taong namamatay.
Sana iyon na ang huli.
Natutuwa ako na iniwan tayo ng mga kaibigan natin nang ilang oras.
Jeremy, patawarin mo ako dahil hinusgahan kita sa simula.
Wala akong pakialam kung anong ginagawa mo o kung magkano ang suweldo mo.
Mahalaga ka sa akin.
May mga feelings na ako sa iyo.
(kumikililing na telepono)
(kumikililing na telepono)
Sa totoo lang ha. Kailangang sagutin ko iyon.
Hello? Puwede kay Detective Winters.
Wala siya, eh. Meron ka *** message para sa kaniya?
Oo. Binigay niya itong telepono kung meron kaming impormasyon para sa kaniya.
Nahanap ko na rin yung resibo sa gas sa may estasyon sa Beachwood at Franklin.
Hindi na bali iyan. Meron kaming kopya ng resibo.
Nagamit ang card ni Jeremy Richards noong araw na iyon
pero ayon sa surveillance video, isang babae ang gumamit ng card sa araw na iyon.
Ha? Anong sabi mo? Babae?
Oo. Card ni Jeremy ang gamit pero hindi siya ang gumamit.
Ibig mong sabihin wala si Jeremy Richards sa estasyon na iyon?
Mukhang hindi, eh.
Alam mo, malapit na kitang mahalin.
Hindi na sana kita papatayin noong may pagkakataon ako pero mukhang kailangan na kitang patayin.
Diyos ko! Nakalimutan ko ang mga securiy cameras ng estasyon ng gas.
Akala ko sapat na ang resibo para maging dahilan kung paano ako nandoon.
Pagkakamali ko!
Sino yung babae? Kasagwat mo siya?
Kapitbahay ko lang siya naghatid sa akin sa pool party.
Sabi ko sa kaniya na gusto kong uminom at hindi mag-drive ng kotse.
Kaya ginamit niya ang aking credit card mo para magpa-gas?
Tama, Jessica Fletcher.
At pumasok ako at binaril ang kaibigan mong si Elliot sa dibdib.
Dumating siya pagkatapos nang ilang minuto.
Hindi ko alam na mamamatay tao ka!
Bakit? Bakit mo ginawa iyon, Jeremy?
Hindi mo pa maalala, ano?
Ako si Dumbo.
Hindi ko alam kung papaano mo ako maaalala.
Si Elliot at ang iba mong mga ka-brad sa fraternity, hindi rin nila ako naaalala!
Sa simula, hindi.
Dumbo...
Naaalala mo na ba?
Nandito na ako. Pasensiya na kayo ha.
Kailangan na nating piliin kung sino ang puwedeng mag-pledge sa rush week.
Paano itong si Jeremy Richards?
Ibig mong sabihin si Dumbo? Diyos ko! Nakita mo ang mga tenga niya?
Mero kaya siyang bionic hearing.
Noong in-interview ko siya, tinanong ko sa kaniya kung puwede ko sa kaniyang ikuwento tungkol sa isang babaeng tinitira ko.
Hulaan mo kung anong sinabi niya? Nakikinig ako!
Oo nga! Kaya kailangan tanggalin natin si Dumbo.
Diyos ko! Tanggalin siya? Aba dapat! Makinig kayo!
Tanggal na si Dumbo! Tapos ka na!
Dumbo.. Dumbo... Dumbo...
Pumunta ka sa fraternity rush. Tinanggal ka namin.
Nakikinig ako doon sa bintana ng fraternity house
at narinig ko lahat ng sinabi ninyo tungkol sa akin.
Ang palayaw na Dumbo?
Matalino ka talaga, Reggie? Sa tingin mo ba na hindi ka narinig iyon dati?
Jeremy, patawarin mo ako...
Huwag na! Oo nga, malaki nga ang mga tenga ko! Eh ano?
Pero dahil sa aking pinsan na isang sikat na plastic surgeon Dr. Ronnie Berkowitz sa Boca Raton
Ako ang unang taong binigyan ng ear reduction surgery.
At guwapo ka ngayon! Mababaw ako dati.
Bata pa ako noon at tatanga-tanga. Hindi na ako ganoon ngayon!
Talaga? Talaga? Talaga? Puwede ba!
Hanggang ngayon, hinuhusgahan mo ako!
Tinapon ko sarili ko sa iyo at hanggang ngayon, iniisip mo pa rin na mas magaling ka kaysa sa akin!
Saklolo! Saklolo!