Tip:
Highlight text to annotate it
X
Sa Hangouts pwede kang makipag-ugnayan sa pamilya't kaibigan.
Sa videong ito, ipapakita namin kung gaano kadaling makatanggap ng mga text
gamit ang telepono mo sa Hangouts.
Pwede ka magpadala ng mga multimedia na mensahe para magbahagi ng mga larawan,
mga video, at pati mga animated na GIF. Maaari mong gamitin ang
mga SMS at MMS na tampok na ito kung mayroon kang Hangouts app sa Android 4.0 at mas mataas.
Tandaan lang na lahat ng mga singil sa text message sa iyong mobile carrier ay ilalapat pa rin.
Una, tingnan kung anong device ang ginagamit mo para sa Hangouts.
Kung gumagamit ka ng Nexus 5, ang Hangouts ay naka-install na bilang iyong pangunahing text-
messaging na app.
Pero kung hindi ka naka-Nexus 5
at gumagamit ka ng Android 4.4 o mas mataas,
kailangan mong gawing pangunahing text-messaging app ang Hangouts. Narito kung paano:
Buksan ang Hangouts app sa iyong Android device
at pumunta sa "Mga Setting." Buksan ang seksyon ng "SMS"
at pindutin ang "Naka-disable ang SMS." Gagawin ng pagbabago na pangunahing text messaging app mo ang Hangouts
Kung ginagamit mo ang Android 4.3 o mas mababa
kailangan mong i-on ang mga text message sa Hangouts.
Una, buksan ang Hangouts app sa iyong Android device,
at pumunta sa "Mga Setting." Buksan ang seksyon ng "SMS"
at lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "I-on ang SMS." Gagawin ng pagbabagong ito na pangunahing text-
messaging app ang Hangouts.
Kapag in-on mo ang SMS, lahat ng mga umiiral mong text message
ay ii-import sa Hangouts. Maaari mo lang i-access ang mga mensaheng ito
sa iyong Android na telepono at hindi mula sa alinmang ibang Hangouts sa web,
iOS device, o sa iyong tablet. Kung sa kalaunan ay magpasya kang
hindi mo gustong gamitin ang Hangouts bilang iyong text-messaging app, alisin ang check sa kahon
sa tabi ng "I-on ang SMS." Kapag in-on mo ang mga text message sa Hangouts,
may tatlong paraan upang magdagdag ng contact para sa text message.
Ang una mong opsyon ay upang buksan ang isang bagong pahina ng Hangouts
at i-type nang direkta ang numero ng telepono sa kahon ng paghahanap. Ang pangalawang paraan ay hanapin
ang pangalan o numero ng contact sa bagong pahina ng Hangouts. Pagkatapos ay piliin ang "Ipadala ang SMS kay"
at pindutin ang numero ng contact na gusto mong padalhan ng mensahe.
Ang ikatlong opsyon ay ang pagpili mula sa listahan ng pag-uusap
Pagkatapos ay piliin ang "SMS" mula sa mga drop-down na item. Kung ang contact
mo ay hindi available sa Hangouts at may numero ng telepono,
makakakita ka ng SMS icon na may larawan ng profile ng contact
Kapag napili mo ang contact, i-type kung ano ang gusto mong sabihin sa kahon ng mensahe.
Maaari ka magpadala ng mga larawan o video sa pamamagitan ng mga text message.
Para magpadala ng larawan o video sa iyong text message,
sa kanang panig ng kahon ng mensahe, pindutin ang camera icon. May lalabas na kahon
kung saan ka makakapili ng gusto mong gawin:
kumuha ng larawan, kumuha ng video, o mag-attach ng umiiral na larawan
Kapag nakapili ka na, pindutin ang icon na ipadala upang maipadala ang mensahe.
Maaari mo ring i-customize ang iyong mga setting para sa text at multimedia na mga mensahe.
Maaari mong ayusin ang iyong mga notification para mag- vibrate o tumunog, tanggalin ang mga lumang mensahe,
awtomatikong mag-display ng multimedia sa mga mensahe at higit pa.
Kung mayroon kang mahigit sa isang Hangouts account, magagamit mo lang ang isa sa bawat pagkakataon
para sa mga text message.
Ang isa pang setting na mapamamahalaan mo ay ang para sa mga wireless na alerto.
Pinahihintulutan ka nitong kontrolin kung makakatanggap ka ng mga emergency na alerto tulad ng
mga AMBER na alerto o mga alerto para sa malalang panahon para malaman mo ang mga pangunahing kaganapan
na malapit sa iyong lokasyon.
Ngayon ay maaari mong malaman ang nangyayari sa lahat ng iyong pamilya at mga kaibigan sa iisang lugar
gamit ang Hangouts app upang magpadala at tumanggap ng text sa mga multimedia na mensahe para sa numero ng telepono mo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpapadala at pagtanggap ng
text at multimedia na mensahe gamit ang Hangouts, pumunta sa
Hangouts Help Center sa
support.google.com/hangouts.