Tip:
Highlight text to annotate it
X
Hi, Ako si Glen Murphy, at isang designer sa Google Chrome.
Kapag nasa web tayo, palagi nating sinusubukang mas maraming magawa, nang mas mabilis.
Ngunit ipinakita ng pananaliksik na hindi nakakatipid ng oras ang karamihan
kapag sinusubukan nilang gumawa ng maraming bagay nang sabay-sabay.
Sa koponan ng Chrome, hindi kami naniniwalang ito'y problema sa mga tao;
sa tingin namin, ito'y problema sa mga tool na kanilang ginagamit.
Napagtanto namin na sa isang pagkakataon habang nagba-browse,
isang kamay mo lamang ang iyong ginagamit. Bakit?
Dahil isa lamang ang iyong mouse.
Babaguhin ito ng Multitask na Mode ng Chrome sa pagbibigay sa iyo ng access sa hindi isa,
ngunit sa dalawang mouse, nang sabay.
Sa una, maaaring medyo nakakalito ang paggamit ng dalawang mouse,
ngunit pagkalipas ng maikling panahon masasanay ka rin.
Bilang isang architect, kapag nagkakamali ako, isa itong napakalaking problema.
Tinanggal ng Mode na Multitask ang stress,
dahil hindi na ako masyadong nag-iisp tungkol sa isang proyekto.
May isa lamang computer sa pagitan natin, at palagi tayong nag-aaway dati
kung sino ang unang gagamit ng internet.
Ngayon, hindi na natin kailangang maghintay o magpalitan.
Sa Mode na Multitask, maaari na tayong parehong tumingin ng email nang magkasabay
sa parehong computer.
Sino si David?
Lubhang mahalaga ang seguridad sa Chrome, at ang Mode na Multitask
ay hindi eksepsyon. Upang maprotektahan ka sa pag-click ng
anumang link nang dalawang beses at aksidenteng masingil ng doble ang iyong credit card,
awtomatikong papatayin ng Chrome ang iyong computer
kapag masyadong nagkalapit ang mouse arrows.
Sana'y matulungan ka ng Mode na Multitask na masulit ang bawat minuto mo sa Chrome.
Subukan ito, bisitahin ang google.com/chrome/multitask.