Tip:
Highlight text to annotate it
X
Noong ika-apat ng Hulyo, 2011, kami ay naglagay ng kahilingan online
na makibahagi sa isang maikling pelikula tungkol sa pakikipag-ugnay.
Ang mga artwork at mga video ay lumitaw mula sa buong mundo.
Narito ang nangyari...
Kung sa kurso ng mga pangyayaring pantao...
ay nangyayaring higit na kinakailangan
na kilalanin ang mga pundamental na katangian
na nag-uugnay sa atin.
Dapat nating suriin muli
ang mga katotohanang pinanghahawakan natin na maliwanag.
Na ang lahat ng tao ay nilikha na magkakapantay
at lahat ay magkakaugnay.
Na ang lahat ng tao ay nilikha na magkakapantay at lahat ay magkakaugnay.
Na magkakasalo tayo sa mga hinahabol sa buhay
kalayaan
kasiyahan
pagkain
tubig
kanlungan
kaligtasan
edukasyon
hustisya
at pag-asa para sa lalong mabuting kinabukasan.
Na ang ating kolektibong kaalaman
ekonomiya
teknolohiya at kalikasan
ay likas na magkakaugnay.
Pagkakaugnay.
Na ang magtutulak sa ating umabante bilang isang uri
ay ang ating pag-uusisa
ang ating abilidad na magpatawad
ang ating abilidad na magpahalaga
ang ating katapangan
at ang ating nais na makipag-ugnayan.
Ang mga bagay na ito na mayroon tayo
ay siyang makakatulong sa atin na maabot
ang ating puspos na karaniwang potensyal.
At kung saan dapat nating sersyosohin ang ating mga problema
hindi natin sobrang seryosohin ang ating mga sarili.
Dahil ang isa pang bagay na nag-uugnay sa atin
ay ang ating abilidad na tumawa
at ang ating pagtatangkang matuto mula sa ating mga pagkakamali.
Nang sa gayon ay matututo tayo mula sa nakaraan
maintindihan ang ating lugar sa mundo
at gamitin ang ating kolektibong kaalaman
para lumikha ng mas magandang kinabukasan.
Kung kaya, siguro'y napapanahon
na tayo bilang isang uri
na mahilig tumawa
magtanong at makipag-ugnay
ay gumawa ng isang bagay na radikal at totoo.
Sa mga nagdaang siglo, tayo ay nagdeklara ng kalayaan
Siguro'y panahon na
na tayo bilang mga tao
ay ideklara ang ating pagkakaugnay.
Pagkakaugnay
Na ideklara ang iyong pagkakaugnay...
let it ripple [letitripple.org]
let it ripple [letitripple.org] -- ideklara
Let it Ripple: Mga Pandaigdigang Pelikula para sa Kilusang Pagbabago