Tip:
Highlight text to annotate it
X
>> CUTTS: Hi, ako si Matt Cutts. Isa akong engineer sa pangkat sa kalidad sa Google at gusto kong
ikuwento ang nangyayari kapag naghanap ka sa web. Ang dapat munang maunawaan
ay kapag naghanap ka sa Google, hindi ka talaga naghahanap sa web, naghahanap ka sa
index ng web ng Google, o sa pinakamalaking bahaging makikita namin. Ginagawa namin ito
gamit ang software programs na tinatawag na spiders. Nagsisimula ito sa pag-fetch ng web page,
tapos, sinusundan nito ang link sa pahina at pine- fetch ang pahinang tinuturo, at sinusundan lahat
ng link sa pahinang iyon at pine-fetch ang pahinang nili-link nila, hanggang maka-index kami
ng malaking bahagi ng web--bilyung-bilyong pahinang nakaimbak sa libu-libong machine.
Ngayon, gusto kong malaman ang bilis ng cheetah. Ita-type ko sa paghahanap ang 'bilis ng
cheetah' at pipindutin ang return. Hinahanap ng software namin sa index namin ang pahinang
may ganoong mga termino sa paghahanap. Dito, napakaraming posibleng resulta.
Paano nagpapasya ang Google kung aling dokumento ang gusto ko? Sa pagtatanong--higit
200 sa mga iyon. Parang, ilang beses nasa pahinang ito ang mga keyword mo? Lumilitaw ba
ang mga salita sa pamagat, sa URL, direktang magkatabi? May mga synonym ba para sa
mga salitang iyon? De-kalidad ba ang website ng pahinang ito o hindi, kahit ang spamming?
Ano ang PageRank ng pahina? Isa itong formula na inimbento ng tagapagtatag naming sina
Larry Page at Sergey Brin na nagre-rate sa halaga ng webpage sa pagtingin kung ilang link sa labas
ang tumuturo dito, at sa halaga ng link na iyon. Sa huli, pinagsasama lahat ng salik para gawin
ang puntos ng bawat pahina at ibalik sa iyo ang resulta ng paghahanap sa loob ng kalahating
segundo pagkasumite mo ng paghahanap. Sa Google, sineseryoso ang paghahatid ng kapaki-
pakinabang at patas na resulta ng paghahanap. Di kami nagpapabayad para magdagdag ng site
sa index namin, i-update ito nang madalas o pataasin ang ranggo nito. Tingnan natin ang mga
resulta ng paghahanap. Kasama sa bawat entry ang pamagat, URL, at snippet ng teksto para
makapagpasya ako kung ito ang hanap ko. Nakakakita rin ako ng link sa katulad na pahina,
pinakabago nitong bersyon sa Google, at kaugnay na paghahanap na maaari kong
sunod na subukan. Minsan, nakakakita ako ng ad sa kanan at tuktok. Sineseryoso din namin ang
advertising, ang pagtuon naming ihatid ang pinakatamang madla para sa mga advertiser at
ang pagsisikap na magpakita ng ad na gusto mo talagang makita. Nag-iingat kaming tukuyin ang
mga ad mo mula sa regular mong resulta ng paghahanap at di kami magpapakita ng ad
kung hindi kami makakita ng makakatulong sa iyong makita ang impormasyong hanap mo--
na sa sitwasyong ito, ang bilis ng cheetah ay mahigit sa 60 milya bawat oras. Salamat sa
panonood, sana'y ginawa nitong mas madaling maunawaan ang Google.