Tip:
Highlight text to annotate it
X
Karanawing iniisip natin sa Telekinesis ay isang uri ng supernatural na kapangyarihan ng isip, ngunit ang
salitang "Telekinesis" ay galing lamang sa Griyegong kinēsis, "paggalaw" at tele-, "sa malayo".
At ang tunay na daigdig ay puno ng telekinesis, o paggalaw sa malayo.
Ano ang nagsasabi sa bola na mahulog kapag binitawan? Bakit nagtataboy o naglalapit
ang mga magnet nang hindi nagdidikit? Paano tayo naiinitan ng araw na milyong kilometro ang layo? At
paano mahimalang nalilipat ng mga cell phone ang iyong tinig sa kabilang dako ng bayan o
sa kabilang dako ng mundo?
Ang malungkot na katotohanan sa lahat ng tunay na telekinetic phenomena na ito ay hindi talaga
sila galaw sa malayo... na nalaman ng mga tao simula noong gitnang 1800s.
Bago noon, hindi talaga natin alam kung paanong nagtataboy o naglalapit ang mga magkalayong
magnet, paanong "alam" ng bola na dapat itong mahulog pababa sa lupa, o paanong
naiilawan ng araw ang mundo - alam lang natin na ganito na. At ito ay isang
nakakapanindig-balahibong paggalaw sa malayo.
Pero sa mundo ng physics may dumating na apprentice ng isang bookbinder sa London na si Michael Faraday
at isang batang maylupa na si James Clerk Maxwell. Magkasama sina Magnetic Mike at J.C.
na gumawa ng isa sa mga pinakamalaking pagtuklas. Kumbinsido si Faraday sa kanyang mga eksperimento
na ang mga magnetic at electric force ay hindi telekinetic na paggalaw mula sa malayo, kundi
ang ekspresyon ng isang nasasailalim na pisikal na... bagay. Tinawag niya ang "bagay" na field,
dahil ito ay malayo sa obheto - tulad ng mga mag-aaral sa field trip malayo sa paaralan.
Napukaw sa kahusayan ng ideya, umupo si Maxwell tangan ang lapis at papel at pinag-ugnay
ang resulta ng kanyang mga eksperimento sa mga kutob ni Faraday gamit ang magandang matematika: naipakita niya
na mailalarawan ang lahat ng elektrisidad at magnetismo gamit ang ideya ng isang field: isang
natatanging “Electro” - “Magnetic” field, na laganap sa kabuuan ng kalawakan.
Ang saligang ideya ng field na nakita ni Maxwell ay sa bawat punto sa kalawakan may
numero na nagsasabi ng anumang tungkol sa puntong iyon.
Maaaring simpleng numero, tulad ng temperatura sa puntong iyon, o ang bilang
ng pusa sa puntong iyon; o maaaring kumplikado, tulad ng direksiyon at bilis ng hangin
o ang bilang ng atom ng strawberry cheesecake na gumalaw sa nakaraang
segundo. Gumawa ng tsart ng mga numerong iyon sa bawat punto ng daigdig, at iyon ang
field.
Kaya napagtanto ng batang J.C. na ang bawat punto sa kalawakan, dagdag pa sa isang numerong nagsasabi
ng flow ng strawberry cheesecake doon, may mga numerong nagsasabi ng lakas
at direksyon ng electromagnetic field. Ang mga mathematical equation na ginamit niya para ilarawan
ang mga numerong ito ay sinasabi rin kung paanong ang lakas ng isang field sa isang punto ay nakaaapekto
sa lakas ng mga karatig na punto, at sa mga karatig pa nito, at saka pa.
At itong electromagnetic field (at kung paano ito nagbabago punto sa punto) ang tumutulong
na ipaliwanag kung paanong ang mga bagay tulad ng magnet, static electricity at mga tawag sa cell-phone
ay mayroong pangmalayuang epekto nang hindi talagang telekinesis, o paggalaw nang malayo.
Halimbawa, ang isang magnet ay lumilikha ng kaguluhan sa field na mukhang... isang magnetic
field. At kapag ginalaw ang magnet, napagtanto ni Maxwell na ang mga lugar sa field malapit
sa magnet ay magbabago dahil nag-iba ang posisyon ng magnet. At ang mga lugar sa
field na malayo-layo ay nagbabago dahil ang field na katabi nito ay nagbago. At ang mga
lugar na mas malayo, at mas malayo pa, parang ang pinakamaliit na bucket brigade
sa daigdig, hanggang lumaon na tumulak sa isa pang magnet - marahil, compass needle.
Sa kabilang banda, ang isang electron ay lumilikha ng kaguluhan sa field na nagsasabing “hoy, lumayo
kayo sa akin!” sa ibang electron - pero kapag inalog-alog ang electron, magpapadala ito ng
mga ripple sa field na parang alon sa isang lawa. Ang mahusay rito ay napagtanto ni J.C. na ang mga
electromagnetic "ripple" o "wave" na ito ay naglalakbay sa parehong bilis ng ilaw. Sa katunayan...
ilaw nga ito. Natuklasan ni J.C. na ang ilaw ay isang electromagnetic wave!
At ang mga wave na ito na isang bucket brigade na naglilipat ng init mula sa araw
tungo sa mundo o isang signal mula sa iyong cell phone tungo sa iyong ina o ilaw mula sa bumbilya
tungo sa iyong mata. Ang tanging rason na naiisip natin na ang mga ito ay "paggalaw sa malayo"
ay dahil hindi natin nakikita ang nakatagong bucket brigade na hindi natin pansin. Pero naroon,
na naipakita na ng di-mabilang na eksperimento simula pa kay Faraday.
Kaya, si Magnetic Mike at J.C. at ang paglalarawan nila sa mga electromagnetic field ang nagpaliwanag sa
mga magnet at elektrisidad at ilaw nang hindi kailangan ang telekinesis o ibang uri ng galaw sa
malayo. Sa kalaunan, nailatag nila ang pundasyon ng lahat ng ika-20 siglo ng physics
- dahil ngayon, ang mga field ang batayan ng pagkaunawa natin sa daigdig.