Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ano man ang umiiral sa kahit anong sulok ng mundo- niyakap at pinagdiwang ng ibang mga bansa
pero hindi legal sa pitumpot-anim (na bansa)
Anong takot ang nakakubli sa kahihiyan sa publiko,
pagpapakahirap sa pitong mga bansa
kahit ang parusa ng kamatayan
Anong luha sa bawat myembro ng pamilyang naiiwan?
Anong dahilan ng mga taong harapin ang panganib ng brutal na karahasan sa pang araw- araw?
Anong simpleng pagtrato ang naangkin bilang ikalawang-klase ng pagkamamamayan saan man sila mapadpad?
Anong dahilan ng mga kabataang napatalsik sa sariling pamamahay
mga estudyanteng nasalaksak ang isipan at napatalsik sa mga paaralan
at mga empleyadong natanggal sa trabaho na hindi nabigyan ng babala
Anong umiiral sa kahit anong bansa ay sa pamamagitan ng kasaysayan
pero ang ibang tao ay itinuturing paring "hindi normal"
Ang sagot?
Pagiging bakla,
pagiging tibo
pagiging bisexual
o transgender
Sa buong mundo ilang milyong taong hinaharap ang kaharasan at diskriminasyon
Dahilan lang sa kung sino man sila
Ang mga bansa ay obligadong sundin ang batas sa karapatang- pantao sa pandaigdigan
para protektahan ang mga tibo, bakla, bisexual at transgender
mula sa malabisang pagpapahirap, diskriminasyon at karahasan
Ang United Nation ay may isang simpleng mensahe
para sa ilang milyong taong LGBT saan mang sulok ng mundo
Hindi ka nag-iisa
Ang karapatan ng LGBT ay karapatang- pantao
Kung sama-sama ay makakagawa tayo ng isang mundo
Makakagawa tayo ng isang mundo
na malaya at pantay-pantay