Tip:
Highlight text to annotate it
X
Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod sa Belgium. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa Biarritz. Siya ay nanirahan sa Ghent dahil mura lang ang halaga pag magpapalimbag sa Ghent at para makaligtas sa pang-aakit ni Suzzane Jacoby.
Nakilala ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran. Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy. Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay Valentin Ventura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo. Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng Oktubre 1891. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA.
Nagkamayroon ng pagkukumpara sa pagitan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ito ay ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili naman ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa. Orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit sa kadahilanan ng kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili na mayroong 38 kabanata, at ang Noli na mayroong 64 kabanata. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli habang para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili.
Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika. kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang ikatlong nobela.