Tip:
Highlight text to annotate it
X
Ang mga sanggol!
Isinilang na ang mga sanggol!
Ang tagapagmana ng Hari ng Gubat!
Ang mga anak ni Haring Leo at Reyna Lyre!
Natagpuan ko ito sa kaloob-looban ng gubat ng Bajelous...
nagniningning sa ilog.
Naisip ko, "Napakaganda nito para sa mundong ito."
Ano, magkano ang ibabayad mo para dito?
Hindi lang ikaw ang alahero sa bayan!
Ano iyon...
Nasa kanya ang batong hinahanap mo!
Isa lang itong walang kwentang bato.
Oh,sige na!
Nakikiusap ako, kahit na lang magkano.
Pakiusap!
Bwisit!
Basura lang pala iyon.
Ang akala ko pa naman payayamanin ako noon!
Ginoong Ham-egg, sa palagay ko.
Sino kayo?
Gusto lang namin kayong tanungin ng tungkol sa bato...
...na natagpuan n'yo sa Bajelous.
Ang bato?
Pwede *** sumakay kayo sa kotse?
H-Hoy, huwag.
Tigilan n'yo iyan!
Palabasin n'yo ako!
Saan n'yo ako dadalhin?
Hoy, hoy, hoy!
Maraming salamat sa pagdating.
Ako si Dr. Minus mula sa Ahensiya ng Siyensiya at Teknolohiya.
Ito ang aking katulong, Ramune.
Ahensiya ng Siyensiya at Teknolohiya?
Ngayon, Ginoong Ham-egg, saan mo natagpuang itong bato?
Doon sa bandang gitna ng gubat ng Bajelous...Pero hindi ko na matandaan ang mga detalye.
Napaka-importante nito.
Pwede *** pilitin mong tandaan?
Kung ganoon ka-importante, magkano naman ang ibabayad n'yo para dito?
Ano?
Hindi ito tungkol sa pera.
Kung ganoon, ano ang tungkol sa batong ito?
Ang lagay, um...
Alam ko na.
Kung ganoon,
sa palagay ko kailangan kong magpasubasta sa mga mayayaman.
Paano mo nagagawa iyan?
Kung ganoon, magkano ang ibabayad n'yo sa akin?
Kung dalhin ko kayo sa lugar kung saan ko ito natagpuan?
Ang totoo n'yan, ginoo, ang batong iyan ay...
...napakahalaga na kaya nitong iligtas ang mundo mula sa krisis sa enerhiya.
Alam ko na.
Mas lalong may dahilan para bayaran n'yo ako ng maayos.
Sigurado, Ginoong Ham-egg.
Pero hihilingin naming samahan mo kami sa Bajelous.
Sino kayo?
Si Dr. Plus mula sa ahensiya.
Isang doktor?
Alam ko na.
Kilala ako noon bilang Pinuno ng Bajelous.
At primera klaseng mangangaso.
Pinaimbestigahan ka na namin ng lubos.
Alam namin kung gaano ka kalubog sa utang.
Pero malayo iyon sa pinag-uusapan.
Ang mahalaga ay matagpuan natin agad ang Bato ng Liwanag ng Buwan.
Bato ng Liwanag ng Buwan?
Ang mga elemento ng Bato ng Liwanag ng Buwan...
...ang tumutulong upang makagawa kami ng enerhiya...
...sa pamamagitan ng reaksyong kemikal sa halip ng nukleyar.
Natagpuan din ito malapit sa Bundok ng Buwan.
Bundok ng Buwan?
Ayon sa aming pag-aaral,
ang batong ito ay nagmula sa bundok na nasa lugar na kilala bilang Bajelous.
Ngunit walang nakakaalam ng eksaktong kinaroroonan ng bundok na ito.
Ang tangi naming palatandaan ay isang larawang kinuha matagal na.
Ang tungkulin mo ay magtungo sa Bajelous at...
...ituro ang eksaktong kinaroroonan ng bundok.
Mahigpit naming kailangan ang iyong tulong.
Akong bahala diyan.
Magbubuo ako ng isang pangkat.
Huwag n'yong tipirin ang badyet.
Sigurado.
Ginoong Moon, di ba?
Ginoong Ham-egg
Nakagawa na kami ng kontrata...
...sa tulong ng isang importanteng propesor na makakasama natin sa ating paghahanap.
Eksperto siya sa larangan ng medikal.
Kabilang siya sa orihinal na paglalakbay sa Bundok ng Buwan.
Sa nakalipas na anim na taon, nanatili siya sa Bajelous sa patuloy na paghahanap.
O sige, O sige.
Maupo ka at magpahinga habang umiinom bago tayo makarating doon.
Hoy, Piloto! Mag-ingat ka sa ginagawa mo!
Ayokong mamatay bago pa man makita ang bundok na iyon!
Makinig kayo ngayon!
Itali n'yo iyan ng mahigpit, para hindi agad ang mga iyan makalag.
Tama na siguro iyon.
Ngayon Lune, ang sikreto ay ipagaspas mo ang pakpak mo ng matulin...
Katulad nito!!
Pagaspas, pagaspas, pagaspas, pagaspas!
Hindi, katulad nito.
Ano, katulad nito, tama?
Hay, hindi mo naman makuha.
Ang sabi ko, katulad nito!
Baah, ginagawa ko na iyan!
Lune!
Lune.
Lukio.
Lune, napakadelikado niyan. Itigil mo na.
Tama siya, paano kung masaktan ka?
Hangal!
Sa ganitong araw at panahon kailangang nakakalipad na ang Hari.
Pero hindi pa ako nakarinig ng lumilipad na leon.
Hindi iyon ang punto.
Kailangang kayanin ang mga pagsubok.
Lumalaki silang malakas at malusog.
Pero marahil masyadong walang hiya at walang kinatatakutan.
Pinag-aalala ako ng husto ni Lune.
Matapang siya, kung ano dapat ang isang batang lalaki.
Hahalili sa iyo si Lune sa trono.
Kailangan niyang maging matatag.
Katulad ka rin niya.
Okey, nasa ayos na ang lahat!
Lune, handa ka na sa paglipad?
Andar na!
Lune, nagawa mo!
Ang galing!
Ipagaspas mo ang mga pakpak mo.
Lune!
Lune!
Kapatid.
Lune!
Okey ka lang ba?
Oo naman, wala iyon.
Ang problema ay ang mga pakpak.
Sa susunod gagawin nating mas malaki.
Susubukan n'yo pa rin?
Oo naman!
Hanggang sa makalipad siya!
Dapat siguro tumigil na kayo.
Tumahimik ka!
Coco, ano iyon?
Ano iyon?
Kung tama ang pagkakatanda ko, ito'y kagamitang gamit ng tao para makalipad.
Lumilipad ang mga tao sa loob ng malaking bagay na ito?
Lune, huwag!
Ayos lang ako, ayos lang ako!
Patay na ito. Hindi na ito gumagalaw.
Tingnan mo nga naman.
Wala namang laman ang kwartong ito.
Wow!
Lumilipad talaga ito?
Sa mga tao ito.
Ha?
Okey ka lang?
Bilis, may nakita akong ginagamit ng mga tao!
Hoy, hoy, hoy, ano iyan?
Sabihin mo sa akin.
Iyan ang tinatawag ng mga taong baunan.
Hindi, mga lalagyang kahon iyan.
Delikado itong hawakan!
Huwag kang mag-alala, ayos lang iyan.
Baunan.
Lune.
Ano iyon?
Gumagawa ito ng kakaibang ingay.
Bizo!
Bizo, huwag!
Akin iyan.
Hindi ko naman nakikita ang pangalan mo dito.
Nakita ko iyan doon.
Doon sa loob?
Kung ganoon, pag-aari ito ng mga tao.
Sisirain ko ito.
Magaling kung ganoon.
Ibalik mo iyan, akin ang kahong iyan!
Masama ang mga tao, kaya hindi ka dapat humahawak sa ganyang bagay.
Iyon ang sabi sa akin ng tatay ko.
Isoli mo iyan!
Aray!
Aray, bitiwan mo ko!
Hoy, bitiw!
Masakit iyan!
Bitiwan mo ako!
Ang sabi ko, bitiwan mo ko!
Isusumbong kita sa tatay ko.
Tay! Tay!
Bizo.
Tay, ayan si Lune, inaway niya ko.
Anong ginawa niya?
Ikaw *** nagpaiyak sa anak ko?
Ikaw ang anak ni Leo.
Opo, ako nga.
Tay, paalisin mo siya, tadyakan mo!
Matapang kang bata.
Hindi ako bata, ako si Lune.
Ganoon ba?
Ang pangalan mo ay Lune, hindi ba?
Maswerte si Leo na may anak siyang matapang.
At sa kabaligtaran naman, ikaw...
Nakakahiya ka, duwag!
Kung guto mong ipagtanggol ang sarili mo, lumaban ka ng buong tapang!
Pero, pero...
Tayo na.
Kalabaw, sa lugar na ito?
Tingnan mo, malapiit na tayo sa kampo.
Ginoong Moustache!
Ramune.
Anong nangyari?
Nasugatan ng mga mandarambong!
Grabe.
Ang lalakas ng loob nila!
Isang baguhang mangangaso.
Nakaligtaan niya ang mahahalagang dako.
Magagawa ko iyon sa isang tira lang.
Bam!
Anong sinabi mo?
Ano ang iyong...
Ito si Ginoong Moustache, na pinakiusapan namin para tumulong sa atin ngayon.
Oh, ikaw pala...
Ito ang kapitan ng aming pangkat, si Ginoong Ham-egg.
Hoy, kapitan!
Pwede *** magmadali na tayo at makakilos na?
Magandang ideya.
Tinatawag na ako ng kayamanan.
Lukio, nasaan si Lune?
Wala siya dito?
Saan kaya siya nagpunta?
Lune.
Lukio.
Narito ka uli.
Nag-aalala si Nanay sa iyo.
Gustong-gusto mo ba ang tunog na iyan?
Kasi hindi ito katulad ng tunog ng ibon o ulan. iba ito.
Nakakagulat siguro ang mga tao para makagawa ng ganoong mga bagay.
Gusto kong pumunta at bisitahin ang mundo nila.
Masinsin kong nasiyasat ang hilagang bahagi ng kagubatan ng anim na taon...
...at walang nakitang anumang bakas ng bato o ng Bundok ng Moon.
Ang naiwan na lang ngayon ay ang katimugang bahagi.
Ganun pa man, maraming hayop ang nakatira sa bahaging ito.
Isang malaking hamon ang maiwasang masira ang kaparangan sa ating paghahanap.
Sa ganyang asal, di nakakapagtaka nandito ka...
...matapos ang anim na taong kamalasan!
Tama nga iyan.
Kalimutan mo na ang tungkol sa mga hayop.
Oo nga, kalimutan mo na ang mga iyon.
Hindi kami nagpunta rito para makipaglaro.
Hoy, makinig ka!
Nagpunta kami dito para sundin ang utos ng aming kapitan.
Natagpuan ko ang bato ng liwanag ng buwan dito...
...sa ilog na ito sa kalaliman ng timog ng gubat.
Maghanda kayo para sa mabigat na trabaho.
Totoong mabigat na trabaho.
Makinig ka, ginoo.
Pinalipas mo ang anim na taon sa pagsasayang ng iyong oras.
Sa loob ng isang buwan, gagawin ko ang hindi mo nagawa sa anim na taon.
Kailangang magpagawa tayo ng kalsada para sa ating mga sasakyan!
Putulin ang mga puno na haharang sa ating daan!
Alan, Carl, manguha kayo ng mga bato at graba sa ilog!
Hindi kapani-paniwala!
Ano naman kayang binabalak ng mga tao ngayon?
Anong nangyayari?
Gumawa sila ng sunog!
Tigil!
Tigilan mong pamamaril!
Tigilan mo!
Huwag mong barilin ang mga hayop.
Ako'ng namamahala dito, huwag mo akong utusan.
Wala kang karapatang sirain ang kagubatan.
Tungkulin mong hanapin ang bundok!
Hindi ako nag-aalala sa mga hayop!
Ang kapal mo!
Ramune, tayo na.
Huwag n'yo silang pansinin, ituloy n'yong ginagawa n'yo.
Itigil mo.
Tigil, sabi!
Hindi ko mapapahintulutan ito!
Magbabayad ka sa pagsira ng kagubatan ng ganito.
Ang preno ay...
Ano?
Leo!
Malaking problema!
Nakulong si Tiyo Rhino sa sunog at hindi makaalis!
Tiyo Rhino?
Tama!
Tatay, sasama din ako.
Tommy, bilis, tayo na!
Leo!
Tutulungan namin kayong patayin ang sunog.
Una sa lahat, si Tiyo Rhino.
Tiyo Rhino!
Puting leon!
Huwag mo akong kainin, hindi ako masarap.
Hoy, gising, Ramune.
Tutulungan kitang makawala.
Magaling na bata.
Alam ko, alam ko.
Ayos lang iyan.
Bumalik ka na sa tatay at nanay mo.
Palapit na ang sunog, lumakad ka na.
Hindi ako makalipad.
Sige na, pumila ka na.
Masamang pagkasunog iyan.
Masakit lang ito ng konti.
Leo, maghihiganti kami sa mga tao.
Pagoora.
Ano?
Pagoora, pakiusap huminahon ka.
Anong mapapala natin kung lulusubin natin ang mga tao?
Huwag na tayong magsakripisyo pa ng ibang buhay.
Hindi mo naiintindihan.
Gusto kong makausap si Leo.
Pagoora?
Leo, sasama ka ba sa amin?
Ang tungkulin ko ay pangalagaan ang kagubatan.
Wala akong balak na makipaglaban sa tao.
Ano?
Duwag ka!
Tinatawag mo ang sarili mong Hari ng Kagubatan?
Kung hindi ka sasama sa amin, kami ang gaganti!
Pagoora!
Huwag kang humadlang.
Sige, Tatay! Labanan mo siya!
Leo, hindi ko maintindihan kung bakit ibubuwis mo ang buhay mo para pigilan kami.
Hindi na namin maaaring sundin ang mga utos mo.
Pagoora.
Sumasang-ayon ako sa iyo, Tay.
Sa palagay ko hindi tamang lumaban sa mga tao...
...dahil isa sa kanila ay nagligtas ng buhay ko.
Lune.
Hindi naman ganoon kamali si Pagoora.
May ilang tao rin namang mabait...
...pero merong ilan na malupit sa atin at nais wasakin ang kagubatan.
Walang napapala sa pakikipaglaban.
Pero kung ganoon, anong dapat nating gawin?
Dapat makipagkaibigan tayo sa mga tao.
Sa ganoon, pwede nating ipakiusap sa kanila na huwag wasakin ang kagubatan, tama?
Hindi ba magandang ideya iyon?
Malamang magtatagumpay ka sa paggawa ng ganyang mundo sa henerasyon mo.
Isang mundo kung saan pwedeng mabuhay ang mga tao at mga hayop ng magkasama...
Napakalayo siguro ng mundo ng tao mula sa lugar na ito.
Lune, papunta ka na sa mundo ng tao!
Yahoo!
Napakadelikado dito!
Kailangan nating makarating sa mas mataas, umusad pataas!
Anong gagawin natin?
Ang baha!
Leo, papalapit na ang tubig!
May hindi tama.
Kapag may nangyayaring ulang katulad nito, may kakaibang nangyayari.
Leo!
Dakilang Ina!
Ina.
Leo, matagal na panahon na,
Ina, may nangyari ba sa kabundukan?
Oo.
May problema.
Hindi sapat na pagkain ang tumutubo sa ngayon sa Bundok Moon.
Nagpunta ako dito upang makapagdala muli pauwi ng pagkain.
Natutuwa naman akong makita na maayos kayong lahat.
Leo, alam kong mahirap ang gawaing mangalaga ng kagubatan...
...pero maniwala ka sa sarili mo at gawin mo ang lahat ng makakaya mo.
Ipagpatuloy mong pangalagaan ang lahat.
Bundok Moon!
Natagpuan ko ang Bundok Moon!
Ngayon, akin na ang Batong Moonlight!
Nay?
Ano iyon?
Wala dito si Lune.
Nasisiguro kong nandun siya.
Lune!
Lune?
Lune?
Lune...
Lune!
Lune!
Lune!
Lune!
Lune!
Lune!
Ano iyon?
O, isang pusa.
Hindi, hindi ito pusa.
Leon ito.
Isang puting batang leon!
Ano, puting leon?
Hoy, ikaw.
Simula ngayon, dito ka magtatrabaho.
H-Hoy!
Ano iyon?
Pusa?
Hindi, isang puting batang leon.
O sige...
Magpakabusog ka.
Ikaw ang sunod na bituin ng Sergo Grand Circus.
Anong sarap na pagkain!
Tama lang para sa isang bituin!
Gusto mo?
Ako?
Hindi siguro, hindi ako sikat katulad mo.
Maganang pagkain!
Ako si Lune.
Ako si Jack...
...isinilang at lumaki sa mga kanal sa New York.
Isa akong matalinong daga!
Ikinagagalak kong makilala ka.
Kung ganoon, matagal mo ng hinangaan ang mundo ng tao doon sa kagubatan, ha?
Ang mundo ng tao ay nakakagulat!
Masyado akong napahanga.
Dahil ang tao at hayop ay magkasamang namumuhay ng masaya dito.
Nakakagulat iyon!
Masaya ng magkasama?
Oo, nakita ko lahat ng hayop ay nagkakasiyahan sa pagsasayaw.
Ah, kasi, iyon ang kanilang trabaho...
Palabas iyon, napipilitan silang umarte ng ganoon.
Maiintindihan mo rin, bata.
Ang panaginip at katotohanan ay hindi magkatulad...
O, tingnan mo iyan.
Mukhang ang susunod na bituin ay pagod na.
Magpakasaya ka sa maganda mong panaginip habang magagawa mo.
Ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo?
Ngayon, gawin mo.
Sige na!
Hoy, ikaw munting rebelde.
Sinusubukan mo *** kalabanin ako?
Tigilan mo iyan!
Bakit mo ako pinipigilan, Merry?
Isa lang siyang munting batang leon.
Hindi kailangang hampasin siya.
Pero...
Hayaan mo akong mangasiwa sa kanya, ayos ba?
Akong bahala sa kanya.
Ayos lang, kung ganoon.
Tingnan natin kung anong magagawa mo.
Ayos ka lang ba?
Bakit hindi ka kumain?
Alam ko, malungkot ka siguro sa ganoong kakaibang lugar...
...pero nag-iisa din ako.
Namatay ang nanay at tatay ko mahabang panahon na nakaraan.
Pero ayos lang ako...
Hindi, okey na okey ako.
Ngumiti ka na bulilit, ayos ba?
Hoy, nakakakiliti iyan, itigil mo iyan!
Alam ko na!
Magsama tayo!
Makakasali ka sa trapeze kasama ako.
Pinagpalang Buwan, nakikita n'yo ba ang anak kong si Lune sa inyong kinaroroonan?
Kung sakali, pakiusap ilawan n'yo ang kanyang daan, ng maliwanag at malinaw...
...upang di niya maramdaman ang lungkot ng nag-iisa.
Ina!
M-May nakamamatay siyang bulutong.
Nakamamatay na bulutong?
Ito'y nakakatakot na sakit.
Minsan na itong kumalat sa kagubatan maraming taon na nakalipas.
Mahigit sa kalahati ng mga hayop ang nangamatay.
Nakakatakot!
Ina.
Ano, paanong pakiramdam na maging isang bituin?
Hindi masayang maging bituin mag-isa.
Jack, naguguluhan na ako ngayon.
Bakit naman?
Nagpunta ako dito para makita ang mundo ng mga tao...
...at may nakilala naman akong ilang mabuting tao kagaya ni Merry,
...pero meron ding masasamang tao na nanghahampas ng mga hayop.
Kung ganoon, alin ang totoong tao?
Mahirap na katanungan iyan.
Alam mo...
Lune?
Ikaw ba iyan Lune?
Ikaw ang anak ni Leo, si Lune, hindi ba?
Oo!
Anong ginagawa mo dito?
May nakakakilabot na sakit na kumakalat sa kagubatan.
Marami sa aming mga kaibigan ang namamatay...
Lahat kami ay dadayo sa lugar na ligtas.
Kamusta ang nanay at tatay ko?
Si Lukio?
Wala akong masyadong alam sa mga detalyeng iyan.
Ikinalulungkot ko, kailangan naming magmadali.
Okey, handa na?
Halika na!
Sunod.
Magaling.
Iyan nga.
Ituloy n'yo lang.
Ayos lang iyan, pakakawalan kita.
Sige na!
Bulilit, takbo!
Bilis!
Hindi diyan!
Bulilit!
Ginang, ginang!
Bilis, gumising ka!
Kailangan nating tumakas.
Bulilit!
Bilis, kung hindi mamamatay ka sa sunog!
Bilis, bilis!
Patayin n'yo ang sunog!
Lumabas kayong lahat dito'ng daan, bilis!
Dito, bilis!
Lahat ng ibang hayop ay sumusunod sa utos ng batang leon.
Bulilit, ano ka nga ba?
Sige na, tayo na.
Sasama din ako!
Nag-aalala ka, hindi ba?
Nakita mo iyan?
Iyan ang daungan.
Diyan ka makakakuha ng bangka para makauwi.
Hindi nga matagal pero nasiyahan ako kasama ka sa trapeze.
Magiging ayos lang ako at ang mga hayop sa sirko.
Huwag kang maging maramdamin ngayon.
Bumalik ka na sa inyong kagubatan, tingnan mo nga kung may pakialam ako!
Jack.
Lumakad ka na.
Ingatan mo ang sarili mo.
Paalam Merry, Jack...
Paalam, sa lahat.
Hindi ko kayo malilimutan.
Leo.
Nandito ako, Lyre.
Mahal kita...
...ng sobra.
Halika rito, Lukio.
Ang mahal kong Lukio.
Tulungan mo ang iyong ama at si Lune sa pangangalaga ng kagubatan.
Pero si Lune ay...
Makakabalik din siya agad. Nararamdaman ko iyon.
Papalapit na siya ng papalapit habang nag-uusap tayo...
Lune, Lukio...
Pinasaya n'yo ako ng husto.
Salamat.
Lyre!
Nanay, nanay!
Ina, ang mga paborito mong bulaklak.
Hindi ba't ang bango nila?
Maghahanap pa ako ng marami pa.
Lyre, napakasakit marahil...
...na kailangan mong iwanan ang iyong mga anak.
Ngunit huwag kang mag-alala.
Palalakihin ko si Lukio na malakas at kagalang-galang.
At babalik si Lune sigurado sa kagubatan.
Pakiusap bantayan mo kami mula sa langit.
Lukio!
Lukio!
Lukio...
Ano ang nagawa kong pagkakamali?
Mawawala rin ba si Lukio sa akin?
Anong pinagkakaabalahan ni Ham-egg?
Walang gumagalaw sa ngayon.
Kumusta na yung mga bagay diyan?
Ang sabi mo may problema sa kagubatan?
Anong nangyari?
Natagpuan ko siya sa kagubatan, nahawahan ng nakamamatay na bulutong.
Nakamamatay na bulutong?
Nakamamatay itong salot na tanging mga hayop lang ang apektado.
Ano ang sanhi?
Hindi ko alam, pero malamang ang mga pagbabago sa kapaligiran.
Babalik ako sa kagubatan.
Bantayan mo si Ham-egg.
Anuman ang mangyari, makipagkita ka kay Dr. Plus.
Inaasahan kita.
Ginoong Moustache.
I-impake n'yo ang mga bag n'yo!
Tutungo na tayo sa Bundok Moon!
Pero, binayaran lang tayo para hanapin ang bundok.
Habang wala ang mga hangal, uunahan natin sila at susunggaban ang kayamanan.
Gamit ang Bato ng Moonlight, kaya nating bilhin ang kalahati ng planeta, kung gugustuhin n'yo.
Sa laki ng kikitain sa pagbebenta ng mga bato, hindi n'yo na kailangang magtabaho ulit!
Lahat tayo'y magiging mayaman sa sunod na sampung henerasyon!
Anong pasya n'yo?
Sasama ba kayo o hindi?
Aray, itigil n'yo iyan!
Anong ginagawa n'yo? Pwede *** tigilan n'yo iyan?
Hindi ako masamang tao.
Basta tumigil na kayo!
T-Tumigil kayo.
Hintay, makinig kayo, nasa panig n'yo ako.
May dinala akong...
...bagay na kailangan n'yo.
Narito ako para gamutin ang sakit.
Nasa matindi kayong panganib.
May salot na kumakalat sa inyo.
Ikaw ang ama ng batang leon.
Pakiusap sabihin mo sa kanila na kung wala itong gamot, mamamatay silang lahat.
Ako ay taong nagmamahal sa mga bulaklak, sa mga puno...
...at sa lahat ng hayop.
Pakiusap, hayaan mo akong iligtas ang posibleng dami ng pwedeng mailigtas.
Nakikiusap ako!
Ano?
Aasa ka sa tao?
Hindi mo pwedeng gawin iyan!
Hindi iyan pinapayagan!
Labag sa Batas ng Kagubatan ang humingi ng tulong mula sa mga tao.
Tama si Coco.
Tayong mga nasa kagubatan ang dapat mangalaga sa ating mga sarili.
Gayunman, maliban na lang kung ipagsawalang bahala muna natin ang batas, minsan lang ito...
...hindi natin maliligtasan itong nakamamatay na salot
Mali iyan!
Mali iyan!
Coco, kailangan nating mailigtas si Lukio.
Nagtitiwala ka sa akin?
Ipinangangako ko, ililigtas ko siya.
Mabuti.
Gigising na siya maya-maya.
Gagaling na siya.
Huwag ka ng masyadong mag-alala.
Wala na ang mga marka!
Salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos!
Maayos na siya, nakita mo na?
Magaling na siya!
Magaling na siya, magaling na siya!
Anong ginhawa!
May lunas na!
May lunas na!
May lunas na para sa salot!
May lunas na!
May lunas na para sa salot!
May lunas na!
May lunas na para sa salot!
May lunas na para sa salot!
May lunas na!
Bizo, tumayo ka.
Halika na.
Hindi ko kaya.
Ano iyon?
Tumayo ka na, ngayon na.
Pagoora, pumunta kayo sa kastilyo ni Leo!
Doon, may taong gagamot sa kanya.
Hindi ako kailanman hihingi ng tulong mula sa tao!
Ngayon, ngayon.
Tahimik lang.
Magiging maayos din kayo.
Huminahon lang, hindi ka naman masasaktan.
Ayos na.
Sunod, pakiusap!
Hintayin n'yo kami, kapitan.
Kapitan!
Tayo na, bilisan n'yo!
Tama, papunta na tayo ngayon sa Bundok Moon!
Kumikilos ngayon si Ham-egg!
Leo, hindi makagalaw si Bizo!
Aray, aray!
Itigil mo iyan.
Alam ko na, alam ko na, andiyan na ako!
Aray, naiintindihan ko!
Leo.
Pagoora.
Maysakit si Bizo.
Hayaan mong gamutin siya ng tao.
Tao?
Wala akong pinagkakatiwalaang tao!
Pero, wala na tayong ibang mapagpipilian!
Pagoora!
Anong nangyayari!
Pagoora!
O sige.
Ligtas na ba?
O, masama ito!
Ginoong Moustache!
Ginoong Moustache!
Ano ito?
Hoy, Ramune.
Nariyan ka!
Kung saan-saan ako naghanap para sa iyo.
Anong problema?
Si Ham-egg at ang iba pa ay patungo na sa Bundok Moon.
Ano?
Hindi natin maaaring hayaang mapunta sa kanilang mga kamay ang Bato ng Liwanag ng Buwan.
Ang bato ay makakapagbigay ng maraming magandang...
...pero sa masamang mga kamay, magdadala din ito ng kasamaan.
Susundan natin sila agad!
Kailangan kong umalis.
Iiwanan ko na sa iyo para tapusin ito.
Tandaan mo, hindi nila dapat kainin ang mga namatay na hayop.
Kailangang tandaan mo iyan.
Ayos ba?
Naintindihan mo?
Lukio.
Ano po iyon?
Makinig kang mabuti sa sasabihin ko.
Lukio, kailangan kong sumama sa mga tao.
Iniligtas tayo ng tao mula sa salot.
At iniligtas niya rin noon si Lune.
Ngayon panahon na para ako naman ang tumulong sa kanila.
Kailangan mo *** umalis?
Lukio, matalino ka katulad ng iyong ina.
Magiging ayos ka lang kahit wala ako.
Kung hindi ako makabalik, kailangang sumama ka sa iba para mapangalagaan ang kagubatan.
Magiging maayos iyon at hindi ako magrereklamo.
Pero pakiusap bumalik ka.
Lukio...
Kailangang sabihin mo kay Lune ang sinabi ko, kapag nakabalik na siya.
Uh-huh.
Paalam.
Bizo, masaya ako na makitang magaling ka na.
Masaya din ako!
Leo.
Natutuwa ako't magaling ka na, Bizo.
Salamat!
Leo, unti-unti ko ng naiintindihan ang iniisip mo.
Karapat-dapat kang maging Hari ng Kagubatan.
Sasama ako ngayon sa mga tao patungong Bundok Moon.
Napakadelikado ng bundok na yon.
Wala pang nakakaakyat noon.
Oo nga Leo, paano kung may mangyari sa iyo?
Buo na ang desisyon ko.
Leo.
Bantayan n'yo ang kagubatan.
Bwisit, wala akong makitang kahit ano dahil sa ulap.
Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Ngumuya ka muna ng gum.
Gusto mo ng tsokolate?
Parang bangungot!
Mga matamis, kendi, mga karamel.
Meron ako ng lahat ng paborito mong pagkain!
Kapitan, nawawala si Carl!
Ano?
Mag-ingat, kayong lahat!
Kapag nawala kayo sa ulap, mamamatay kayo.
Kung ganoon si Carl ay...
Kalimutan mo na siya.
Kailan kaya tayo makakalabas sa kagubatang ito?
Kalahating araw na tayong naglalakad ng tuloy-tuloy.
Tandaan mo...
Tingnan mong mabuti, maaaring ang mga bato sa iyong paa ang bakas ng Bato ng Liwanag ng Buwan..
Ginoo, sigurado ka *** ito ang tamang daan?
Malamang.
Sigurado ka?
Ang lagay...
Ikaw!
I-Isang puting leon.
May nangyari ba sa kagubatan?
Hoy, saan ka pupunta?
Hoy!
Ano iyon?
Ano ang gusto mong sabihin?
Ang Bundok Moon?
Ang ibig mong sabihin...
Ituturo mo sa amin ang daan?
Sandali!
Ginoong Moustache!
Ramune, bilisan mo!
Ituturo niya sa atin ang Bundok Moon.
Nakakaloka...
Hoy, hintayin n'yo ako!
Aling daan, kapitan?
Dito!
Hindi ako nagkakamali ng hinala!
Tayo na!
Hindi ako sigurado dito.
Paano kung mali siya?
Tumahimik ka!
Ako ang pinuno.
Ang ilog na ito'y tumutunton patungong Bundok Moon. Wala ng iba pang daan!
Ito ang tanging daan sa aking kayamanan!
Ang bato ay akin at akin lang!
H-Hintayin n'yo ako!
Ang hangin...
Nagawa natin!
Ano'ng oras na?
Ika-sampu ng gabi.
Sandali, sampu?
Hindi maaari...
O, hindi.
Sira ang relo ko, bwisit!
Tumigil din ang akin.
Hindi nga tayo nagkakamali, malapit na siguro tayo sa bato.
Kapitan, ito na lang ang natitira nating pagkain.
Ano'ng gagawin natin?
May magagawa din tayo.
Matulog na kayo.
Saan ka pupunta?
Kailangan kong...Alam mo na.
Ingat, ang lugar na ito ay napapalibutan ng mga bangin. Pag nadulas ka mahuhulog ka.
Naintindihan ko, kapitan...
Binalaan ko na siya.
Magandang gabi.
Bwisit!
Ang hangal na iyon.
Kapitan, hindi ko ito maakyat! Napakatarik.
Mamamatay tayong lahat!
Tigilan n'yo nang kakaangal!
Ang Bato ng Liwanag ng Buwan ay malapit na nating marating.
Iyong leon...
...at iyong dalawa!
Ano'ng ginagawa nila dito?
Malayo na ang narating natin.
Tingnan n'yo kung gaano kaliit ang kagubatan!
Napakalaki ng naitulong mo.
Hindi ko maisip kung gaano katagal ang gugugulin namin kung wala ka.
Nakuha ko na, ginabayan sila ng leon.
Dalawang araw na ang nakaraan simula nang iwan natin ang kampo.
Ginabayan kami ng leon mula sa kasukalan, sa kaulapan ng kagubatan at sa tabi ng ilog...
...pinangunahan kami sa disyerto patungo sa mabatong bungad ng silangan.
Iniisip ko lang...
Makikita kaya natin ang Bundok Moon at ang Bato ng Liwanag ng Buwan?
Bwisit, tingnan mo lahat ng pagkaing nakuha nila!
Maghanda na tayong kumain ng hapunan.
Wala na tayong natirang pagkain, hangal!
Ano iyon?
Anong gagawin natin?
Huwag mo akong tanungin!
Si Carl na nawawala dala niya ang lahat ng pagkain. Hindi ko kasalanan!
Paano tayo magpapatuloy ng ganito?
Tumigil ka na ng karereklamo!
Ano'ng kinakain mo, kapitan?
Huwag kang masiba!
Ibigay mo sa amin ang iba!
Guton na gutom na ako!
Kapitan, kailangan namin ang pagkain!
Hindi ba iyan ugat ng puno?
Ano'ng inaasahan n'yo, serbisyong kwarto?
Kaya ng taong mabuhay sa kahit anong paraan kapag wala ng pagpipilian.
Nguyain n'yo lang ng nguyain at sasarap din iyan maya-maya.
Ano pang hinihintay n'yo?
Sige na, marami diyan.
Masarap ang kinakain nilang karne doon sa ibaba...
Bakit kailangan nating ngumuya ng mga ugat na ito?
Tumigil ka na ng kangangalngal diyan.
Basta magtiyaga lang kayo hanggang sa makita natin ang Bato ng Liwanag ng Buwan.
Ang Bato ng Liwanag ng Buwan...
Ano iyon?
Anong nangyari?
Sa dako roon!
Ang Bundok Moon.
Sa wakas natagpuan din natin ang Bundok Moon.
At mula sa tuktok nito, mayroong...
...pulang kinang, nagpapahiwatig ng kinaroroonan ng Bato ng Liwanag ng Buwan.
Ang aming paghahanap ay nalalapit ng magtapos sa wakas.
Di magtatagal at makikita rin namin...
...ang liwanag na nagbibigay ng pag-asa sa sanlibutan, ang Bato ng Liwanag ng Buwan.
Mack!
Kapitan!
Huwag mong pilitin ang sarili mo!
Anong problema?
Hindi mo na ba makita ang daan?
Hindi kita masisisi, sa pagbagsak ng niyebeng ito.
Tumigil na ang hangin.
Hoy!
Dakilang Ina!
Ano iyon?
Isang napakalaking elepante.
Napakalaking elepante?
Ina...
Leo, ano ang nagdala sa iyo dito?
Dinala ko ang mga taong ito...
...sa kumikinang na bato.
May magandang dahilan, sa palagay ko.
Gagabayan ko kayo papunta doon.
Alam n'yo kung nasaan iyon?
Sundan mo ako, Leo.
Ang napakalaking elepante naman ang magtuturo sa atin ngayon.
Bilisan natin.
Oo naman.
Nakatagpo namin ang napakalaking elepante sa kalakasan ng bagsak ng niyebe sa Bundok Moon.
Lumalabas na ginagabayan nito kami patungo sa bato.
Ang bawat hakbang ay nagbibigay ng pag-asa habang papalapit sa Bato ng Liwanag ng Buwan.
Anong problema, Ina?
Sa palagay ko hanggang dito ko na lang kayo masasamahan.
Ina.
Narito na ang mga magugulo.
Hayaan mo na sila sa akin at lumakad na kayo!
Aalis na ba ang higanteng elepante?
Tigilan n'yo iyan.
At huwag kayong magkakamaling maglapat ng kamay kay Leo.
Ina.
Leo, lumayo ka.
Ginoong Moustache.
Dapat may gawin din tayo.
Hindi, hindi ka pwedeng makipaglaban sa lobo.
Anong nangyayari?
Kapitan!
Huwag n'yo akong guluhin!
Ha?
Leo, dalhin mo sila sa akin.
Opo.
Hoy, anong ginagawa mo?
Isa itong pagguho ng yelo!
Kapitan!
Bwisit!
Hindi pwedeng dito ako mamatay!
Ayos lang ba kayo, ginoo?
Ina, maraming maraming salamat.
Natutuwa ako't walang nasaktan.
Opo.
Mula dito, ang daan ay sobrang mapanganib.
Hindi na ako pwedeng lumayo pa dito.
Pakiusap, mag-ingat ka.
Pakiusap, hintayin mo kami.
Magpahinga tayo sandali.
Pagod na kami.
Anong problema?
H-Hoy!
Ang lamig ay 25 grado mas mababa sa sero na may konting hilaga- kanlurang hangin.
Ang huling bahagi ng ating paglalakbay.
Puno ng pag-asa, patuloy kaming papalapit sa tuktok ng bundok.
Ito na ba ang tuktok?
Nasaan ang Bato ng Liwanag ng Buwan?
Tumingin ka sa paligid, narito lang iyon.
Opo.
Wala dito.
Wala dito.
Ramune.
Hindi ko makita kahit saan.
Ako din.
Pero, iyong lliwanag na nakita natin...
Ano iyon?
Hindi ko na alam ang gagawin.
Wala na *** pagpipilian maliban sa sumuko na lang?
Ano iyon?
Ang Bato ng Liwanag ng Buwan.
Ginoo!
Ramune...
Nagawa natin!
Opo nga, nagawa natin!
At ngayon, maililigtas na ang sangkatauhan.
Magaling.
Salamat, salamat!
Hindi namin magagawa ito kung wala ka.
Ramune!
Ramune!
Huwag n'yong hahawakan ang aking kayamanan.
Ham-egg!
Ang Bato ng Liwanag ng Buwan ay akin...
...at akin lamang.
Pagkatapos ng lahat ng ito...
Ang bato ay...
Ang bato ay...
Ang bato ay akin lang!
Ang sarap!
Ramune, Ramune!
Huwag kang susuko!
Ramune.
Ginoo...
Huwag kang susuko!
Pakiusap ibigay n'yo ang aking ulat sa Ahensiya ng Siyensiya at Teknolohiya.
Ang kinabukasan ng sangkatauhan ay nakasalalay dito.
Ganoon iyon kahalaga.
Pakiusap.
Ramune.
Hoy, Ramuneeeeee!
Aling daan?
Aling daan ang tatahakin natin?
Ang bagyo ay walang hinto.
Wala na tayong pagkain.
Gutom ka na rin siguro.
Ang mga mata mo!
Nabulag ka!
Ikinalullungkot ko, ikinalulungkot ko talaga!
Napakatanga ko!
Inisip lang namin ang aming mga sarili, hindi ikaw!
Patawarin mo kami.
Ikinalulungkot ko ang pagsangkot ko sa iyo dito...
Ikinalulungkot ko talaga.
Kung iisipin mo ang tungkol dito, bato lang naman ito.
At dahil dito, si Ramune at marami pang iba ang namatay.
Ito ba ang batong magliligtas sa kinabukasan ng sangkatauhan?
Kung totoo man iyon...
Kung tunay na may kapangyarihan itong iligtas tayong lahat...
...kung ganoon iligtas mo ako at ang leon ngayon!
Iligtas mo kami!
Walang silbing bato!
Maraming salamat sa lahat.
Hindi ko kailanman malilimutan ang tungkol sa iyo.
Lumakad ka na.
May pagkakataon ka pang mabuhay.
Huwag mo akong alalahanin.
Hindi ko na kakayanin.
Giniginaw na ako at walang pagkain.
ano yan ?
I-Ikaw...
Ganito ang dapat mangyari...
Kainin mo ang laman ko, ibalot mo ang sarili mo gamit ang aking balahibo at umuwi kang ligtas.
Kailangan mong mabuhay upang madala ang ulat ni Ramune.
H-Hoy!
Hoy, hoy!
Hoy!
Hoy!
Lyre!
Lune...
Lukio...
Hoy!
Hoy!
Hindi ba iyon...
Halika, bulilit.
Ikaw ang anak ng leon.
Ang iyong ama ay isang dakilang leon.
Hayaan mong ikwento ko sa iyo ang tungkol sa kanya.
Ang kwento ng pinakamatapang sa lahat, ang tunay na Hari ng Kagubatan.
Nang ang dalawang asul na bituin ay sumikat sa silangang himpapawid...
...makikita kita, kahit sa alaala ko lamang.
Malapit sa iyo, naniniwala ako sa iyo.
Nang wala na akong pag-asa at nakakita ako ng kabutihan...
...hiling kong nandoon ka kasama ako sa walang katapusang daan.
Malapit sa iyo, pinapangarap kita.
Sinamahan mo ako sa mga di mabilang na gabi ng aking pag-iyak.
Inaliw mo ako, kagaya ng bahaghari matapos ang ulan, o ang araw sa umaga sa kalangitan.
Magtiwala sa liwanag sa kabilang pampang, at sundan na lang ang hangin.
Lumipad patungo sa ipinangakong bundok, kagaya ng ibong lumipad patawid sa karagatan.
Yakapin ang paniniwalang walang pupuntahan...
...at tawagin ang paniniwalang pag-ibig.
Kahit bumagsak pa ang kalangitan, o matuyo man ang karagatan...
Kahit ikaw pa ay nasasaktan, o kaya ay nalulumbay...
Lumipad ng malayo, malayong malayo.
Lumipad ng malayo, malayong malayo.