Tip:
Highlight text to annotate it
X
Inaabangan ng lahat ang bagong video mula sa Lumpy and the Lumpettes
Kahit na si Lumpy!
Tagahanga si Russell!
Hindi na niya mahintay na ikwento sa mga kaibigan nya ang tungkol dito!
Uy, Russell! Hindi ikaw ang lumikha ng video na iyon! Kinopya mo lang ang nilalaman ng iba.
Ang pag-upload ng nilalaman ng iba nang walang pahintulot ay maaaring maglagay sa iyo sa gulo --
-- maaari itong paglabag sa copyright.
Ang copyright ay isang anyo ng proteksyon para sa mga orhinal na gawa ng may akda
kabilang ang literary,
dramatic,
musical,
graphic,
at audiovisual na mga likha.
Nagaganap ang paglabag sa copyright kapag ang isang naka-copyright na gawa ay muling nilabas, binahagi, ginanap o ipinakita sa publiko
nang wala ang pahintulot ng may hawak ng copyright o legal na karapatang gawin ang nabanggit.
Bagama't libreng site ang YouTube, maaari kang mamroblema para sa paglabag sa copyright
Maaari kang mademanda --
-- at kailangang managot sa mga pinsala sa pananalapi.
Maaaring mawala ang iyong diskarte!
O mas malala, maaari mong mawala ang iyong account sa YouTube!
Makakakuha ka lamang ng ilang pagkakataon.
Kung makatanggap ang YouTube ng may bisang notification ng di-umano'y paglabag ng copyright mula sa isang may hawak ng copyright
para sa isa sa iyong mga video, ang video ay aalisin alinsunod sa batas.
Ino-notify ka sa pamamagitan ng email sa iyong account,
at makakakuha ka ng strike.
Kung malaman ng YouTube na umulit ka sa paglabag --
-- habambuhay kang maba-ban!
Heto ang isang idea: bakit hindi gumawa ng sarili mong video?
Naku! Gumagawa ka ng video ng live na pagtatanghal ni Lumpy ng kanta niya,
na protektado pa rin ng copyright.
Maaaring hindi mo pa rin ito ma-upload nang walang pahintulot.
Hay, Russell. Mautak ang paggamit mong muli ng nilalaman ni Lumpy, pero humingi ka ba ng pahintulot para dito?
Ang mga paghahalu-halo o pag-remix ng nilalaman ay maaari ring mangailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may-ari ng copyright,
depende kung ang paggamit ay "patas na paggamit" o hindi.
Sa Estados Unidos, nagbibigay-daan ang batas sa copyright sa patas na paggamit ng naka-copyright na materyal sa ilalim ng mga limitadong pagkakataon nang walang paunang pahintulot mula sa may-ari.
Sa ilalim ng batas, ang mga pagtukoy ng patas na paggamit ay tumitingin sa layunin at uri ng paggamit, ang katangian ng naka-copyright na gawa, ang halaga at kabuluhan ng gawa
kaugnay ng buong gawa, at ang epekto ng paggamit sa posibleng market para sa naka-copyright na gawa.
Maaaring may katulad na mga probisyon sa copyright ang ibang mga hurisdiksyon na nagpoprotekta sa patas na paggamit o patas na kasunduan.
Kung hindi ka nakakatiyak kung ang isang partikular na paggamit ay kwalipikado bilang patas na paggamit, dapat kang komunsulta sa isang kwalipkadong abugado sa copyright.
Kung may kumopya ng iyong gawa matapos mo itong na-post, may karapatan kang alisin ito.
Nagbibigay ang YouTube ng mga tool para sa mga karapatan ng mga may hawak na makontrol ang paggamit ng kanilang nilalaman.
Kung nagkamali ang isang taong alisin ang iyong video, o dahil sa maling pagtutukoy ng materyal na aalisin,
may prosesong sagot na notification para doon.
Maaari kang magpadala sa YouTube ng notice na nagkaroon ng error.
Subalit mag-ingat...
Kung mali mong ginamit ang proseso, maaari kang madala sa korte.
At pagkatapos mamomroblema ka nang malaki! Ganoon gumana ang batas.
Iyon na iyon! Sa pagkanta ng orihinal na kanta, lumilikha ka ng sarili mong nilalaman.
Kapag gumawa ka ng orihinal na video, ikaw ang may-ari ng iyong sariling copyright, at...
...may karapatan kang i-post ito sa YouTube.
Ang orihinal na nilalaman ang dahilan kung bakit kawili-wili ang YouTube. Simulang likhain ang sarili mong gawa, at ano'ng malay natin?
Maaaring sumikat ang iyong video!
[BOOM!]
Kung hindi ka pa rin nakakatiyak tungkol sa mga isyu sa copyright, may ilang mapagkukunan ang YouTube bilang punto ng pagsisimula.
Para sa higit pang impormasyon, i-click ang link para sa "Copyright" sa pinakaibaba ng bawat pahina.