Tip:
Highlight text to annotate it
X
Pagtataka ang umpisa ng pilosopiya.
May nagbasa ng name-tag ko at sinabing:
"Uy, ikaw ba nakakita sa liham ni Descartes na iyon kamakailan?"
Oo, oo, ako iyon. [tawanan]
Siyempre, alam kong mahusay na pilosopo si Descartes at siyempre, siya ay isang
napakakawili-wiling tao at tagapag-isip.
Itinuturing siyang isang uri ng makinang nakakaalam sa lahat ng bagay.
Ngunit sa liham ni Descartes ay doon tayo nagtatagpo, masasabi kong si Descartes iyan.
Ngunit doon mo makikilala ang Descartes sa likod ng mga nalathalang akda.
Inilalagay niyon sa ibang pananaw ang pilosopiya ni Descartes at kanyang akda.
Sa aming pananaliksik, naghahanap kami ng ilang data kaya dumadaan kami sa
libu-libong liham.
May mga pagkakataong nakakita kami ng mga bagay na talagang,
nakakatagpo kami ng ginto.
Tapos na magtrabaho, mag-isa sa bahay, may beer sa tabi ng computer at naisip ko
matagal ko nang ginawa ang regular na paghanap kay Descartes at autograph na liham.
Nakita ko nangungunang sampung hit, napansin ko bago ang pangsiyam, dahil
matapos ang mga taong iyon alam ko ang unang limampung hit.
Sa isang iglap napuno ng sulat-kamay ni Descartes aking screen ko.
Naglagay ng pdf file ng koleksyon ang librarian ng Haverford College sa internet.
Nawawala ang liham, at walang may alam kung saan ito napunta.
Maganda ito, nakakapanabik na materyal. Noon, kung may gusto ka pang malaman
sa agham, pilosopiya, susulat ka kay Descartes.
Ngayon, di na kailangan. Ita-type mo na lang ang tanong.