Tip:
Highlight text to annotate it
X
Hello sa lahat!
Okay, narito ka sa pahina ng copyright ng YouTube.
Kaya, kung pinanonood mo ito, marahil ay nagkakaproblema ka sa pagkakatanggal sa iyong video,
o sa palagay mo'y may ibang nag-upload ng iyong video. [PAGNANAKAW NG VIDEO - MULING PAG-UPLOAD SA IYONG CHANNEL]
Fafa, ihinto mo ang video! [PAGNANAKAW NG VIDEO - MULING PAG-UPLOAD SA IYONG CHANNEL]
Mario, hindi tayo pwedeng huminto. Kinuha tayo ng YouTube para gawin ang video na ito.
Pero ninanakaw at ina-upload ulit ang video, ngayon mismo!
[TUMATAWA NANG MASAMA]
[PAMAGAT: IPINAPALIWANAG NINA GLOVE AT BOOTS ANG MGA KARAPATAN MO SA COPYRIGHT]
Narito tayo sa YouTube kung saan ang lahat ay nag-a-upload ng mga video.
Kung lumikha ka ng orihinal na nilalaman, protektado ka ng copyright.
Kung nag-upload ka ng nilalaman na kinuha mo mula sa ibang tao, protektado sila ng copyright.
Talaga!? Eh walang ginagawa iyang copyright na iyan ngayon!
Kinuha tayo ng YouTube para gawin ang video na ito at ninakaw ito ngayon!
Sasabihan ko ang mga bossing sa YouTube na dapat tayong masisante...
[NAGBUNTONG-HININGA]
Alam mong may mga link sa pahinang ito na makatutulong sa iyo hindi ba?
Hindi mo naman kailangang panoorin ito.
[FRED VON LOHMANN - COPYRIGHT LAWYER NG YOUTUBE]
Fred, pumalpak kami. May salbaheng nagnakaw ng video namin sa copyright.
Sisantehin mo ako Fred!
Mario, huwag kang mataranta.
May copyright ng proseso sa pagtanggal ang YouTube para protektahan ang mga may-ari ng nilalaman.
Kung ini-upload ng ibang tao ang orihinal mong gawa nang walang pahintulot,
maaari mo kaming padalhan ng paunawa sa paglabag ng copyright, at kami na ang bahala rito.
Tatanggalin kita! (Isa itong abiso sa pagtanggal).
[HINDI NA MAPAPANOOD ANG VIDEO NA ITO DAHIL SA INAANGKING COPYRIGHT NI GLOVE AT BOOTS]
Sumpa!
OK, wala nang problema.
At ngayon para sa isang kamangha-manghang bagay
na walang kinalaman sa pinag-uusapan natin.
HOORAY!
Ano ang problema mo?
Alam naming video mo iyon,
kaya ka nga namin binayaran para sa pahintulot na gamitin iyon.
[ANG VIDEO NA ITO AY NAGTATAGLAY NG NILALAMANG MULA KAY GORILLA,
NA NAG-BLOCK NITO DAHIL SA ANGKIN NA COPYRIGHT]
Ano naman iyon?
Umm, mukhang na-block ng isang claim sa Content ID ang video natin.
Ha!? Umalis ka nga sa daan ko!
Fred, ipinakita namin ang video ni Gorilla at na-block naman ng ulong ito!
Sisantehin mo ako!
Iyan si Content ID, ginagawa lang niya ang trabaho niya.
Galit siya sa akin!
Hindi siya galit sa iyo Mario.
Awtomatikong napapagana si Content ID
kapag may taglay na audio o video ang isang video sa YouTube
na inaangkin ng ibang may-ari ng copyright.
Nakakainis.
Sa kasong ito, sa tingin ko ay okay ka naman.
Sa palagay ko'y nagbigay kami ng pera sa iyo para gamitin ang video na iyon.
Kung ganoon, maaari kang maghain ng dispute.
Binigyan ba natin ng pera si Gorilla para sa video niya, Fafa?
Oo, nagbigay ako. Sumpa man!
OK, wala kaming problema. 56 00:02:40,000 --> 00:0=2:42,000 Ano ang... dispute?
Ang pag-dispute ay paraan ng paghamon
sa katumpakan ng isang Content ID match.
Malalaman mo ang higit pa tungkol dito, at simulan ang proseso,
sa iyong YouTube Video Manager.
Hindi ko maintindihan.
Ganito, may dalawang paraan na ang isang video
ay maaaring i-block o tanggalin dahil sa copyright sa YouTube.
Isa na ang paunawa sa pagtanggal,
ang isa naman ay Content ID match.
Teka, hindi ba't pareho lang iyon?
Hindi, hindi sila pareho.
Kung nais mong malaman ang higit pa
basahin ang artikulong ito bago pumunta sa iyong Video Manager.
Nakakabato naman ito.
Oo nga... alam ko.
Pinakapangit na ang video na ito.
Okay na okay ang video na ito!
Nire-re-upload na ito ng mga tao sa lahat ng lugar!
[MUSIC LYRICS: "THIS VIDEO IS DOING GREAT..." UMUULIT]
Susunod na review ng video! Bakit okay na okay ang video na ito?
Dahilan A: Maliit na sumo wrestler
Dahilan B: Larawan ng nakakatakot na unggoy!
[PAMAGAT NG VIDEO: BAKIT ANG SAGWA NG VIDEO NA ITO]
Sa palagay ko'y pangit ang video na ito.
Tingnan mo ang pangit na lalaking pula na iyon.
Ni wala siyang suot na pantalon...
Pangit!? Hindi niya pwedeng sabihin na pangit ako!
Maghahain ako ng abiso ng pagtanggal para sa video niya!
Mario, KANIYA ang video na iyon.
Padadalhan ka lang niya ng kontra-abiso.
Hindi ganoon gumana ang copyright.
Hindi ito makatarungan!
Hindi! Ito ay patas na paggamit!
Nagso-scroll na text: (Kung binabasa mo itong nagso-scroll na text...) Fafa: Ang copyright ay may konseptong tinatawag na patas na paggamit
Nagso-scroll na text: (...naisip namin na dapat mong malaman na ang patas na paggamit ay nakapaloob sa mga batas ng U.S. at ng ilan pang bansa...) Fafa: na nagbibigay-daan sa mga tao na komentuhan, baguhin, o punahin ang video.
Nagso-scroll na text: (...ngunit maaaring iba ang batas kung saan ka nakatira.) Mario: Ewan ko sa patas na paggamit!
Nagso-scroll na text: (Dapat kang magtanong sa iba... Tulad ng isang abogado.) Mario: Padadalhan ko pa rin siya ng notification ng pagtanggal!
Fafa: Teka, huwag!
Uy Fred, gusto kong tanggalin ang isang video
na ginagawa akong katatawanan.
Mario, hindi mo pwedeng pagbawalan ang mga tao
na nagkokomento o pumupuna sa mga video mo.
Nagbibigay ng puwang ang batas sa copyright para sa
komentaryo, kritisismo, pagpapatawa at iba pang paggamit na may pagbabago.
Maaari kang magkaproblema kung babalewalain mo iyon.
Sandali lang, ano'ng ginagawa mo!?
Ayos ito! Ilalagay ko ito sa video.
Gumaganda ang video na ito!
Pero tapos na ang video na ito.
Ang gagawin na lang natin ay sabihin sa mga tao na may mga link sa ibaba na makatutulong sa kanila.
Paano na ang mga footage na kinunan natin bago naging mala-sermon at nakakabato ang video na ito?
[BLINKING TEXT: BONUS FOOTAGE]
Kamangha-mangha!
Ipakita nating ngayon ang eksena
ng dinosaur na kinain ang abogado na nasa inodoro!
Mula sa Jurassic Park? Hindi natin pwedeng ipakita 'yon!
Wala kang natutunan!
Tumahimik ka! Simulan ang Jurassic...
[HINDI NA MAPAPANOOD ANG VIDEO NA ITO
DAHIL SA CLAIM NA COPYRIGHT NG MGA MAY-ARI NG FOOTAGE
NG DINOSAUR NA KINAKAIN ANG ABOGADO,
HABANG NAKAUPO ANG ABOGADO SA INODORO]
Fred... Fred... nap pod ba ito? [ISANG GLOVE AT BOOTS VIDEO ANG IYONG PINAPANOOD]
Fred... umiidlip ka ba?
Fred?