Tip:
Highlight text to annotate it
X
Nagbebenta kami at naghahatid ng mga bulaklak sa Russia
at sa karamihan ng mga bansa sa mundo.
Ang Adwords ay isang mahalagang tool
na tinutulungan akong paunlarin ang negosyo ko sa maraming taon.
Bago ko sinimulan ang negosyong ito, ako ay isang doktor.
11 taon na ang nakalipas.
Mahirap ang sitwasyon ng ekonomiya;
ang mga doktor ay sumasahod lang ng PhP10000 sa isang buwan.
Nagsimula akong maghanap ng mga pagkakataon sa internet.
Ito ay isang bagay na bago, kawili-wili at nakakaintriga.
Pinag-usapan ng lahat ang tungkol sa paggawa ng pera sa internet.
Natuklasan ko na hindi pwedeng magpasok ng bulaklak sa Russia.
Nagpasya akong sumugal at binuksan ang negosyong ito.
Nang sinimulan ko ang negosyo ko may nangyaring kahanga-hanga,
Nagsimula agad akong kumita ng pera.
Mayroon kaming mga customer mula sa buong mundo,
Europe, America, Australia.
Maraming customer ang nag-iisip na nasa Moscow kami,
ngunit sa katotohanan matatagpuan ang aming opisina sa Kazan.
Nagulat sila na ang isang maliit na bayan sa Russia
ay maaaring maging isang international na negosyo.
Noong sinimulan ko ang negosyo wala akong kahit anong bagay,
ngayon mayroon na akong 40 empleyado.
Kaarawan ng aking nanay.
Ginamit ko ang paghahanap sa Google at nag-type ng "magpadala ng bulaklak sa Kazan" at nakita ko ang site ng kumpanya.
Nagustuhan ko ang kanilang mga bouquet.
Binago ng Adwords ang aking pananaw sa advertising sa internet.
Tinuruan ako nito kung paano gamitin ang internet nang epektibo.
Ang isang mahalagang pakinabang ng AdWords ay
kung gaano kasimpleng magbukas ng account.
Napakadaling magtrabaho gamit ang Google AdWords.
Sa katotohanan, ito ay user friendly at flexible.
Mas mahusay naming nasusuri ang mga hiling ng aming client
at naaangkop ang aming mga serbisyo sa mga pangangailangan nila.
Ang AdWords ay isang mahusay na marketing tool.
Sa bawat PhP5000 na inilalagay ko, nakakakuha ako ng PhP10000.
May bago kaming site.
Nagdaragdag kami ng mga bagong serbisyo bawat buwan,
mga bouquet at mga espesyal na alok.
Palagi kaming nakikipag-chat sa tanggapan sa Moscow ng Google,
at palaging nakakatuwa ang pag-uusap.
Sinusubukang tumulong ng mga tao at paghusayin pa ang aming kumpanya.
Bukas ang aming tanggapan 24 oras sa isang araw,
ngunit hinahatid ang mga order sa mga oras ng negosyo.
Umasa akong tutulong ang AdWords na maabot ang target na madla,
at nangyari ito.
Positibo ako para sa hinaharap.