Tip:
Highlight text to annotate it
X
kapiling ko mga bituin ngayong gabi
mga ulap ang aking katabi
ngunit hindi ako nag iisa
pagkat ikaw ay nandito na
mga tala sa iyong mata'y aking batid
bawat kislap ay may pagibig na hatid
sa mga hangarin nating tapat
kayang baguhin ang lahat
magagandang larawan ng ating bukas
ngayong pasko ay magniningas
Ngayong pasko magniningning ang Pilipino
saan man sa mundo tanaw nila ang liwanag mo
duyan ka ng pagmamahal pinagpala ng Maykapal
Ngayong pasko magniningning ang Pilipino
magandang tadhanang naghihintay
pupuntahan nating magkasabay
tibok ng puso nati'y iisa
sa loob nito'y tagarito ka
magagandang larawan ng ating bukas
ngayong pasko ay magniningas
Ngayong pasko magniningning ang Pilipino
saan man sa mundo tanaw nila ang liwanag mo
duyan ka ng pagmamahal pinagpala ng Maykapal
Ngayong pasko magniningning ang Pilipino
sa hirap at ginhawa
umiyak man o tumawa
malayo o malapit
tayo ay sama sama
tagumpay natin ay ipagdiwang (ipagdiwang)
wala ng panahon kung hindi ngayon